Here’s How You Can Achieve Gordon Ramsay-Approved Halo-Halo ala Ninong Ry

Kamakailan lang ay personal na ginawan ng Team Payaman cook na si Ninong Ry ang renowned world-class chef na si Gordon Ramsay ng Halo-Halo sa kanyang pagbisita sa bansa.  

Dahil nalalapit na ang tag-araw, ito ang tamang pagkakataon upang alamin kung paano nga ba gumawa ng Gordon Ramsay-approved Halo-Halo ala Ninong Ry.

Gordon Ramsay x Ninong Ry

January 20 ngayong taon nang unang maka daumpalad ng chef content creator na si Ryan Morales, a.k.a Ninong Ry ang world-class culinary star na si Chef Gordon Ramsay.

Nabigyan ng pagkakataon si Ninong Ry na bumida sa isang ‘Masterchef’-inspired show nito na ginanap sa bansa.

Bilang parte ng programa, sumalang siya sa isang mini cook-off kasama ang ilan sa mga culinary professionals gaya nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Danica Lucero. 

Upang mas makilala ang kulturang Pilipino, nagharap-harap ang mga contenders sa isang Halo-Halo making challenge, na kung saan si Gordon Ramsay ang nagsilbing hurado ng tatlo.

Halo-Halo ala Ninong Ry

Dahil umani ng mga positibong komento mula sa netizens, walang pagdadalawang-isip na ibinahagi ni Ninong Ry ang recipe ng kanyang Halo-Halo sa isang TikTok video.

Una niyang ipinahid ang coco jam sa paligid ng baso, at sunod niyang nilagyan ng rice crispies upang magsilbing base ng kanyang Halo-Halo.

Hindi nawala ang macapuno, minatamis na beans, minatamis na monggo, leche flan, at nata de coco sa mga key ingredients ng kanyang Halo-Halo.

Sunod na inilagay ni Ninong Ry ang mga pinong yelo, na kanyang dinagdagan ng Dulce de Leche, latik, at evaporated milk sa ibabaw.

Matapos gawin ang Halo-Halo, ipinahatid ni Ninong Ry ang kanyang pasasalamat sa celebrity chef.

“Chef Gordon Ramsay, I just wanna say thank you for the experience, and I hope you come back to the Philippines. I love you, Mr. Gordon Ramsay,” mensahe niya.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.