Hindi lang sa tawanan at kulitan magaling ang Team Payaman Wild Cats, dahil sa sayawan, sila rin ay lalaban!
Kamakailan lang, pinatunayan ng Team Payaman Wildcats na sina Clouie Dims, Mau Anlacan, at Kevin Hufana na mayroon silang ibubuga pagdating sa sayawan sa nagdaan na Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights.
Binubuo nina Mau Anlacan, Kevin Hufana, a.k.a. Keboy, at Clouie Dims ang TP Wildcats na kilala sa kanilang pangmalakasang dances performances.
Hobby na ng tatlo ang sumayaw on-stage at sa harap ng camera. Nagsilbing trio ang Dancing Kweens ng Team Payaman pagdating din sa iba’t-ibang TikTok dance trends.
Matatandaan na sila ang nagwagi ng titulong “Dancing Kween” sa isang noon-time show sa GMA Pinoy TV noong taong 2022.
Sa pinakabagong vlog ni Clouie Dims, ipinasilip niya sa netizens ang paghahanda at naging journey ng Wildcats para sa kanilang pagtatanghal sa Team Payaman Fair Spotlight segment.
Sa nasabing vlog, ibinahagi ni Clouie ang masusi nilang pag-eensayo para sa isang makapigil-hiningang performance.
Gaya ng ibang Team Payaman Fair performances, isa ang dance number nina Clouie, Mau, at Kevin ang nag-silbing highlight ng naturang event.
Ang kanilang kakaibang dance moves at mataas na energy ang talagang nagpa-WOW sa mga nakanood ng kanilang performance.
Samantala, ipinahatid naman ng mga manonood ang kanilang pagbati kay Clouie at sa kanyang kapwa Dancing Kweens matapos mapanood ang kanilang TP Fair POV vlog.
@nebytes00: “Aaaa, my girly girls!”
@angelikabaloto8266: “Yay, [I’ve] been waiting for this vlog!”
@bretheartgregorio1886: “Power sayo Ms Clouie️!”
Ano naman kaya ang pasabog ng TP Wildcats ngayong 2025? Abangan natin ang iba pang kaabang-abang na performance mula sa talented trio na ito, mga Kapitbahay!
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.