Mikee Morada Earns Praise for His Strength Amidst Wife’s Pregnancy Battle

Sa likod ng mga nakakatuwang contents ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada, ay ang mga hamon na mas lalong nagpatibay ng kanilang relasyon.

Tunghayan kung paano nga ba napapanatili ng mag-asawa ang kanilang pagsasama at pananampalataya sa likod ng kanilang mga kinakaharap.

Untold Battles

Sa bagong episode ng Toni Talks na pinapangunahan ng aktres na si Toni Gonzaga-Soriano, bumida si Mikee Morada, asawa ng nakababatang kapatid nitong si Alex Gonzaga-Morada

Isa sa mga pangarap ng mag-asawang Alex at Mikee ay ang bumuo ng kanilang sariling pamilya matapos ikasal noong taong 2020.

Ilang beses hindi pinalad ang dalawa na makabuo ng kanilang supling dala ng iba’t-ibang rasong pangkalusugan. 

Una nang ibinahagi ni Mikee na bukod sa unang dalawang beses ng pagkawala ng kanilang anak,  ay muli itong nakaranas ng miscarriage nito lamang Disyembre.

Ayon kay Mikee, hindi niya lubos akalaing pagdaraanan nila mag-asawa ang miscarriage sa unang pagkakataong nabuntis si Alex.

“Siguro, iyon [first miscarriage] ‘yung super masakit sa akin noon, kasi excited talaga [kami] eh,” kwento nito.

Kwento nito, nakaranas ng blighted ovum ang misis nitong si Alex na kung saan hindi naging ganap na embryo ang kanilang inaasahan na supling.

Muling sumubok ang mag-asawa na makabuo ng anak sa pamamagitan ng IVF o In Vitro Fertilization, ngunit sa kasamaang palad, hindi rin nila ito napagtagumpayan.

“We wanted to try na magkaroon [ng anak], pero hindi rin s’ya tumuloy o nag-develop” salaysay ni Mikee.

Sa pangatlong pagkakataon, hindi muling pinalad ang dalawa na makabuo, ngunit taas noo pa rin itong hinarap nina Alex at Mikee.

Mas tumibay hindi lamang ang relasyon ng dalawa, kung hindi pati na rin ang kanilang pananampalataya.

“Lagi ko rin sinasabi [na] let’s surrender it. Kumbaga, ‘wag na tayo mag-expect. Gusto natin i-claim, pero nasa Panginoon pa rin [ang desisyon],” aniya.

Supportive Husband

Nang marinig ang nakaka-antig na kwento ng mag-asawa, hindi napigilan ni Toni na hangaan si Mikee sa pag-suporta nito kay Alex.

“Isa sa mga traits na sinabe sa akin ni Alex na sobra n’yang na-appreciate sa’yo, is ‘yung patience mo with her,” kwento nito.

“D’un ko nakita si Mikee as a great partner kasi iniintindi n’ya ako dahil alam n’yang mayroon akong pinagdaanan,” pagbabahagi ni Alex sa kanyang ate.

Kwento ni Mikee, isa sa mga paraan nito ay ang pagsasaliksik ng mga dapat gawin pagdating sa pag-alaga at pag-suporta sa kanyang asawa.

“Kita ko rin ‘yung height ng emotions [ni Alex], lalo na ‘yung IVF, nakita ko ‘yung pinagdaanan ni Catherine. Syempre ‘di ba pag babae, iba ‘yung hormones sa katawan eh kapag pregnant, so kailangan mo talaga ng maximum tolerance at patience,” saad nito.

“Ayokong nagpapakita na apektado ako. Kailangan ipakita ko na strong din ako para sa kanya,” dagdag niya.

Touching Comments

Hindi rin napigilan ng mga manonood na maging emosyonal sa nasabing interview, dahilan upang magpadala ang mga ito ng mensahe para sa mag-asawa.

@KareninaMarie: “Grabe. May we all find a man of God like Mikee, family-centered, and a very kind and patient husband.”

@PinayDenmark: “Umiiyak ako habang nanunuod. alam ko ang feeling dahil pinagdaanan ko rin. Doon ko narialize na minsan, ang panalangin natin, hindi agad agad sinasagot ni Lord, ibinibigay nya sa tamang panahon. I hope and pray na sana mabiyayaan din sila ng anak na matagal na rin nilang hinahangad. God bless po sir Mikee and Alex!”

@Jen-lv6vp: “Mikee’s parents must be so proud of him, grabi yung pagpapalaki sa kanya, may we all raise a man like this!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

3 days ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

5 days ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

5 days ago

Why Yno’s Latest Single ‘Because’ Has Netizens Talking?

Bukod sa pagpapatawa at paggawa ng mga viral content online, ipinapakita rin ni Anthony “Yow”…

5 days ago

This website uses cookies.