Carlyn Ocampo Wows Viewers With New Home in Tagaytay

Isa sa mga pinagkakaabalahan ng Billionaire Gang member na si Carlyn Ocampo at asawa nitong si Von Ordoña ang paglilipat sa kanilang bagong bahay.

Silipin ang pangmalakasang house tour ng new house owners at alamin ang ilan sa kanilang mga paboritong tambayan sa kanilang bagong tahanan. 

A Fresh Start

Sa bagong vlog ni Carlyn Ocampo, hatid nito ang virtual tour sa loob ng bagong tahanan nila ng nobyong si Von Ordoña.

Ayon sa dalawa, inabot ng isang buwan ang proseso ng kanilang paglilipat dala ng dami ng gamit na kanilang kailangang dalhin.

Walang paglagyan ang excitement nina Carlyn at Von lalo pa’t kasama nila ang kanilang mga anak sa bagong yugto ng kanilang mga buhay.

“Hindi pa kami totally tapos maglipat at mag-ayos ng mga gamit, pero dahil marami nang nangungulit sa amin, this time, ipapakita na namin [ang bahay],” ani Carlyn. 

The House Tour

Sa labas pa lang ng kanilang tahanan ay matatanaw na ang pavillon na kung saan na pwedeng pagdausan ng mga meeting, selebrasyon, o hindi naman kaya’y tambayan. 

Pagpasok ng pinto, bubungad agad ang kanilang maluwag na sala, hapag-kainan, at isa pang tambayan kung saan nasisinagan ito ng araw, na s’ya ring katapat ng kanilang inihandang guest room. 

“Dito lalaki si Lucas sa pwesto na ‘to, dito magbibinata ‘yan oh!” biro ni Daddy Von.

Sunod na nilibot nina Carlyn ang kanilang pool area, kusina, na ayon sa kanila ay isa sa kanilang paboritong lugar sa kanilang bagong bahay.

“Alam n’yo, sobrang happy ko dito sa kitchen namin kasi finally, nangako sa akin si Carlyn na ipagluluto [n’ya ako],” biro ni Von. 

Pag-akyat sa second floor, bumungad ang kwarto ng kanilang mga anak, na labis na ipinagpasalamat ng mag-nobyo.

“Sobrang happy namin dito sa bagong tahanan kasi mayroon kaming bago, secured, at stable na bahay para sa kanilang dalawa [Lucas at Lakeisha], at dito na sila lalaki,” reyalisasyon ni Daddy Von.

Ipinasilip din nina Carlyn ang kanilang master’s bedroom at balcony na may makapigil-hiningang view.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 hours ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

1 day ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

1 day ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

2 days ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

2 days ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

3 days ago

This website uses cookies.