Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa na usap-usapan ngayon sa social media.
Kabilang ang food content vlogger na si Ninong Ry na nagpamalas ng Kusina Paawer sa ginanap na ”Masterchef’ inspired show kasama ang nasabing chef.
Kasama ni Ninong Ry ang iba pang talented Pinoy chefs na sina celebrity chef Judy Ann Santos, culinary student Danica Lucero, at Gordon Ramsay Bar & Grill PH Head Chef Bea Therese Qua. Taas noo nilang pinatunayan ang Pinoy Pride nang ibida ang kanilang skills sa paggawa ng Pinoy’s favorite dessert na Halo-halo.
Sa Facebook post ni Ryan Morales Reyes, a.k.a Ninong Ry, ibinahagi niya ang ilang mga tagpo kasama ang kanyang culinary idol na si Gordon Ramsay.
“Ninong Ry, binigyan ng Diabetes si Gordon Ramsay hahahhaha,” biro niya sa kaniyang Facebook post caption.
Nagsama ang dalawa sa isang live “Masterchef” 10 minute-Halo-Halo Challenge na kung saan nakatunggali nito ang aktres slash vlogger at cook na si Judy Ann Santos-Agoncillo.
Matapos ang food showdown, hindi pinalampas ng renowned chef na matikman at husgahan ang proudly-made Halo-Halo nina Ninong Ry.
“I can feel my arteries jamming up. I came here to open a restaurant not for a heart bypass operation,” reaksyon ni Gordon nang matikman ang super-sweet halo-halo ala Ninong Ry.
“We have very good doctors here,” biro naman ng Pinoy vlogger chef.
Talaga namang naging remarkable ang most-awaited meet up na ito kay Ninong Ry at maging na rin sa netizens.
Miguel Sacluti: “Holy crap dude, grabe ang pag angat mo idol! Kaka inspire”
Eden Calaminos: “Dreams do come true! Happy for you, Ninong Ry!”
Ricayelle Medina: “Omg! This is Ninong Ry’s ultimate goal according to his latest upload ni Mrs. Viy!! Congratulations, Ninong Ry!”
Liezl Reyes: “wow! ibang level na talaga si Ninong Ry”
Unicoles Tigue: “Finally na meet na ni Ninong Ry si Chef Gordon Ramsay”
Watch the full video from Rappler below:
Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…
Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…
A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…
As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…
Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…
Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…
This website uses cookies.