This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil sa kanyang lifestyle at motherhood content.

Dahil nalalapit na ang pagsilang n’ya sa kanyang pangalawang supling, marami ang humahanga sa pagharap ni Pat sa kaniyang buhay bilang isang ina at asawa.

Addressing Mom Guilt

Hindi lingid sa kaalaman ng solid Team Payaman fans na ito na ang ikalawang beses na pagbubuntis ni Pat Velasquez-Gaspar.

Sa likod ng tuwa at kagalakan na maisilang ang bagong adisyon sa kanilang pamilya, hindi niya mapigilang maramdaman ang “mom guilt” pagdating sa panganay na si Isla Patriel.

Sa isang Facebook post, naging emosyonal ang soon-to-be mom of two habang hinihintay ang pagdating ng kanilang bunso.

“Mom is so excited for you to become a big brother, but at the same time, I can’t help but feel nostalgic for the days when it was just the three of us. You, me & Dad!” mensahe ni Pat sa anak.

Dagdag pa niya, “No matter how much our family grows you will always be my first baby & nothing will change how deeply i love you!! I love you aking Isla! Sobra sobra!”

Hindi rin napigilan maging emosyonal ng mister nitong si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng sa nasabing mensahe ni Pat para sa kanilang Kuya Isla.

“Kaiyak naman ‘yan bie!” komento ng Team Payaman vlogger.

Supportive Tita

Bukod sa pagiging hands-on sa kanyang anak, hindi rin mawawala kay Pat ang pagiging malapit sa kanyang mga pamangkin.

Mula kay Mavi, hanggang kina Viela at Kidlat, nananatili pa rin ang kanyang pagiging supportive Tita sa mga ito.

Pagdating sa kulitan, tawanan, o hindi naman kaya’y paglalaro, game na game pa ring nakikipag-bonding si Tita Pat sa kanyang mga pamangkin.

An Amazing Wife

Gaya ng ibang mga ina, pamilya ang nananatiling prayoridad ng nakababatang kapatid ni Cong TV lalo pa’t patuloy nang lumalaki ang Team Velasquez-Gaspar.

Bukod sa pagiging hands-on mom, hindi maitatanggi na ramdam pa rin ang kilig sa mag-asawang Boss Keng at Pat.

Sa isang Facebook post, kilig overload ang hatid nina Boss Keng at Pat sa kanilang sweet Japan photo.

“Ang sweet naman n’yan!” komento ng isa.

The Ultimate Friend

Kung pagiging mabuting kaibigan lang naman usapan, isa si Pat sa mga itinuturing na mabubuting kaibigan ng kanyang mga kaibigan at kapwa vlogger sa Team Payaman.

Isa sa mga patunay ng kaniyang matibay na pagkakaibigan ay ang pagsabay nila ni Viy Cortez-Velasquez sa pagbubuntis sa kanilang pangalawang anak. 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng 28-anyos na vlogger ang ilan sa kaniyang mga litrato kasama ang hipag na si Viy para sa kanilang maternity shoot.

“So thankful to be sharing this special time with my sister-in-law @viycortez, can’t wait for our little ones to grow up together!” aniya.

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.