Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng Team Payaman na si Dudut Lang.
Tunghayan ang iba’t-ibang paraan ng pagluluto ng Megalodon na pwedeng ihain sa buong pamilya at mga kaibigan.
Sa kanyang bagong vlog, nagbahagi ng ilang mga putahe ang chef vlogger turned TV host na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang.
Isang malaking Megalodon o mackerel ang natanggap nito mula sa grupo ng YKulba, na kanyang ginamit sa pagluluto.
Una nitong hinimay at hiniwa ang nasabing lamang-dagat upang makuha nang buo ang laman nito.
Bagamat medyo nahirapan si Dudut na hiwain ang laman ng Megalodon, laking tuwa naman nito sa kinalabasan ng kanyang fish fillet.
Maya-maya pa ay ipinatong na ni Dudut ang kanyang mga nahiwa sa ibabaw ng luya, sabay pinahiran ng asin at paminta.
Sunod niya itong nilagay sa steamer sa loob ng 30-minutos at ibinuhos ang sauce na gawa sa Knorr Liquid Seasoning, oyster sauce, at asukal.
Una na niyang ginawa ang kanyang curry sauce gamit ang curry powder, turmeric powder, chili powder, paprika, mantika, ginisang bawang at sibuyas, luya, at tubig.
Gamit muli ang mga isda, sunod na hinalo ni Dudut ang mga ito gata, patatas, at carrots sa inihanda niyang curry sauce.
Samantala, ibinabad naman ni Dudut ang iba pang Megalodon fillet sa asin, paminta, onion powder, garlic powder, at ginger powder upang manuot ang lasa nito.
Matapos gumawa ng breading mixture upang maging ang crispy ang isda, agad na pinrito ni Dudut ang mga ito.
Naghiwa na rin ito ng repolyo, at hinaluan ng Japanese mayo, at condensed milk bilang palaman ng kanyang Fish Tacos.
Gumawa din si Dudut ng picked onion sauce gamit ang brown sugar, suka, asin, bay leaf, star anise, paminta, cinnamon stick, at sibuyas.
Sa huli, nag-init na lang ng tortilla wrap si Dudut na s’yang magsisilbing lalagyan ng Fish Tacos.
Para naman sa sauce ng sweet & sour fish, ipinaghalo nito ang catsup, suka, Worcestershire sauce, at pineapple juice.
Naghiwa na rin ito ng pula at berdeng bell peppers at onion leaks, na kanya ring sinamahan ng starch at water mixture.
Sunod na ginisa ni Dudut ang kanyang mga pinritong Megalodon fillet, sabay inihalo sa kanyang inihandang sweet & sour sauce.
Para sa final dish, Fish Sinigang naman ang hatid ni Dudut sa kanyang manonood. Gaya ng tipikal na Pinoy Sinigang, ginamitan ito ni Dudut ng Knorr Sinigang Mix sa Miso upang mas mapabilis at mapasarap ang kanyang pagluluto.
Pagkahalo ng mga kamatis, sibuyas, at mustasa, pinakuluan na ito ni Dudut kasabay ng mga natirang ulo at buntot ng kanyang hiniwang Megalodon.
Watch the full vlog below:
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
This website uses cookies.