Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o ‘“stress reliever” ng fans dahil sa kanilang effortless funny humor.
Isa na si Alona Viela, ang unica hija ng Team Payaman couple na sina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, sa TP kids na ngayo’y isa nang social media sensation, dala ng kanyang mga nakakaaliw na memes at TikToks.
Sa pagsapit ng 2025, talaga namang isa ang TikTok dance trends sa sumalubong sa netizens, na s’yang pinangunahan ng TP’s one and only Tariray, Alona Viela.
Pumatok sa TikTok ang “Bonde Do Broñao” solo dance ni Viela kung saan full-force siya sa pagsayaw ng nasabing trend.
“Yes gurl,” caption ng proud momma na si Mommy Vien sa kaniyang TikTok post na umani ng mahigit 42K views.
Hindi naman pinalagpas ni Viela ang “Wait” TikTok dance trend, kung saan hatid nito ang cuteness nang i-share ni Mommy Vien ang Viela-cam-focused video sa TikTok.
“HAHAHAHAHAHA May sarili kang labubu ate vien.”
“Paki-charge po muna hahaha!”
“Living meme,” nakaka-aliw na komento ng netizens.
Sa latest TikTok dance naman ng mag-iinang Iligan-Velasquez, ibinida ni Mommy Vien ang kanilang entry para sa “Sweetener by Ariana Grande” TikTok dance trend.
“Group Performance pero Individual Grading po ito. Nakita niyo naman sino pinakamagaling HAHAHAHAAHA,” caption niya nang i-share sa TikTok.
Sa video, kitang-kita ang pangunguna ni Alona Viela sa kanilang pagsayaw, dahilan upang umani ito ng mga nakakaaliw na komento mula sa netizens.
“‘Yung kamukha lahat ni Ate Vien, pero Junnie Boy ang galawan hahaha!”
“Bias ko talaga si Viela in all aspect, very cuties!”
“Ganap na ganap naman si Vielaboo haha”
Hindi rin nagpahuli sina Mommy Vien, Kuya Mavi, at Viela sa patok na patok na Ice Cream Yummy TikTok dance trend!
Talaga namang queen of spotlight si Viela dahil sa kanyang attention-grabbing moves.
“Si Viela talaga nag dala [nung] sayaw.”
“Kuhang kuha ni viela si junnie hahahahahaha!”
“Viela is really the Mini version of Junnie. Napaka-extra!” komento ng mga nakapanood.
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…
Upang mabigyan ng kaalaman ang kanyang mga manonood sa kalakaran ng mga doktor sa bansa,…
This website uses cookies.