8 Years in The Making: Rana Harake Now Engaged to Antonio Enriquez

Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga kamay ni Rana Harake matapos ang gender reveal ng kanilang baby number two.

Silipin ang mga tagpo sa much-awaited proposal ni Tonyo sa long-time girlfriend nitong si Rana.

The Preparations

Sa bagong vlog ng content creator na si Rana Harake, ipinasilip nito ang naging paghahanda ng nobyo si Antonio Enriquez III, a.k.a Tonyo para sa kanyang proposal.

Nakaraang taon pa nang simulan ni Tonyo ang kanyang mga plano, mula sa pagbili ng singsing, hanggang sa pormal na pagpapaalam sa pamilya niya at ni Rana.

Aniya, katuwang nito ang kanyang ate sa pamimili ng singsing na ayon kay Tonyo ay nanggaling pa sa America.

“‘Yung ate ko talaga, isa ‘yan sa big part sa akin sa paghahanap ng singsing, s’ya talaga nakahanap n’ung singsing sa US,” kwento nito.

Kinasabwat din ni Tonyo ang nakatatandang kapatid ni Rana na si Zeinab Harake at fiancé nitong si Ray Parks pagdating sa pagbuo ng konsepto ng kanyang surprise proposal.

“Naiiyak ako! Pati ako nag-aantay na! N’ung nakita ko ‘yung singsing, grabe ‘yung [pagka]-touch ko!” reaksyon ni Zeinab.

Agad ding ipinagdasal nina Ray at Zeinab ang kahihinatnan ng pinaplanong proposal ni Tonyo para kay Rana.

The Proposal

Naisipang isabay ni Tonyo ang kanyang proposal sa gender reveal ng kanilang pangalawang anak, na ginanap noong December 23, 2024.

Sa tulong ni Zeinab at ilan sa kanilang mga malalapit na kaibigan, naging matagumpay ang proposal ni Tonyo para kay Rana.

Matapos ang programa ng gender reveal, dinala ni Zeinab ang nakababatang kapatid sa pagdarausan ng marriage proposal.

Punong-puno ng bulaklak at pailaw ang nasabing lugar, dahilan upang mas maging kaantig-antig ang nasabing proposal.

Hindi na napigilan ni Rana na maging emosyonal nang makita ang nobyo dala-dala ang kanyang singsing.

“They say that the biggest decision in life is choosing someone to marry, at ito na ‘yun. Matagal ko nang pinag-isipan ‘to at ngayon lang ako nakahanap ng perfect timing. Would you spend the rest of your life with me? Rana Mikaela Harake, will you marry me?” tanong ni Tonyo.

“Nag-antay ako ng 8 years ah! Bakit ako hindi oo-oo? Yes!” sagot naman ni Rana.

Congratulatory Messages

Bumuhos naman ang mga pagbati ng mga netizens sa bagong milestone sa buhay ng pamilya nina Rana at Tonio.

@KimKim-qi9rx: “Rana has been so patient with her life, patient with Tonyo, patient with Nisha kahit sa ate and parents niya, she’s always full of love in her own warm and genuine way, she deserves this, but deserve din ni tonio ng ganyang love from rana!!! Always choose love!!”

@sarahlopez2131: “I literally cried when they pray for the ring and Tonyo and rana.”

@KatePrado-od5di: “Omg, the Harake sisters are now engaged!!!!!”

@marsheemallowz: “It’s a boy and it’s a YES! Congratulations Rana and Tonyo!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

17 hours ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

2 days ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

2 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

3 days ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

4 days ago

This website uses cookies.