This is How Viy Cortez-Velasquez Maintains a Fresh Look During 2nd Pregnancy

Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez.

Alamin kung ano nga ba ang sikreto sa pagpapanatiling fresh ng kanyang awra habang ipinagbubuntis ang kanyang pangalawang supling.

Pregnancy Glow

Sa kanyang bagong TikTok upload, isang netizen ang nagpahatid ng kanyang pagbati sa kakaibang ganda ng Team Payaman momma na si Viy Cortez-Velasquez.

“Ang blooming mo namang buntis!” komento ng isang taga-hanga.

Dahil dito, hindi napigilan ni Viviys na ikumpara ang kanyang pagdadalang-tao sa panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, sa kasalukuyang pagbubuntis sa kanyang unica hija na si Baby Tokyo.

“Talagang pa-zombie ‘yung effect ko dati n’ung buntis ako kay Kidlat, talagang kakaiba!” pagbabalik-tanaw nito.

Napansin din ni Viviys ang naging pagbabago sa kanyang ilong, pangangatawan, at balat nang ipagbuntis ang panganay na si Kidlat.

Binigyang linaw din ng 28-anyos na vlogger at negosyante ang katotohanan na iba-iba ang proseso ng pagbubuntis ng mga ina.

“Ewan ko, iba-iba talaga siguro ang ‘yung pagbubuntis kasi dati, kita n’yo ba? Pa-crocodile na [ako]?” biro pa nito.

The Secret To Youthful Aura

Dahil hindi maipagkakaila ang glow ni Viviys sa kanyang pagbubuntis kay Baby Tokyo, ibinahagi nito ang ilan sa mga gamit upang mapanatili ang kanyang fresh look.

“Naghilamos [na] ako tapos pagkagising ko, gagamit lang ako ng sunscreen, tapos lalagay lang ako ng Aqua Cream [Demeter] at Lip Slay [Aira],” kwento nito.

Gamit ni Viviys ang ilan sa mga best-selling products ng kanyang sariling makeup line gaya ng Aqua Cream at Lip Slay. 

“Mi, sunscreen lang, tapos Aqua Cream, tapos Lip Slay, oh, pak! Pwede na akong mag-grocery!” hirit pa ni Viviys.

Hindi naman niya itinanggi na nakararanas pa rin siya ng discoloration at iba pang hormonal changes dala ng kanyang pagbubuntis.

“Pero syempre, dahil buntis ang lola n’yo, naitim pa rin ang leeg ko, and tinitigyawat ako sa likod ko, sa dibdib ko, pero keber! Happy pa rin!”

Payo din nito gumamit ng Sunflower Oil upang maiwasan ang pag-itim ng anumang parte ng katawan habang nagbubuntis. 

Mabibili ang VIYLine Aqua Cream at Lip Slay sa official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng VIYLine Cosmetics.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

14 minutes ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

36 minutes ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

49 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.