Vien Iligan-Velasquez Shares First Snow Experience During Anniversary Japan Trip

Dahil ipagdiriwang ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang kanilang anniversary ngayong Enero, isang advanced Japan trip celebration ang regalo nila para sa isa’t-isa.

Tunghayan ang mga tagpo sa likod ng quick Japan trip at kauna-unahang snow experience ng mag-asawang Junnie-Vien.

Anniversary Trip

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang ilan sa kaganapan sa anniversary trip kasama ang asawang si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy.

Bagamat ngayong Enero pa ang anibersaryo, napag-isipan ng mag-asawa na lumipad patungong Japan noong Disyembre.

“Another first time with Dada!” buong galak na saad ni Vien.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi muna sinama nina Junnie at Vien ang kanilang mga anak dahil kailangan nitong pumasok sa eskwela.

Ibinahagi din naman ng mga ito ang kanilang pagkunsidera sa damdamin ng kanilang panganay na si Kuya Mavi na kanilang hindi naisama sa nasabing Japan trip.

Kwento ni Mommy Vien: “Hindi kami basta-basta nakaka-alis ni Dad nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Mavi kasi nagtatampo na si Mavi” 

First Snow Experience

Unang binisita hindi lang nina Junnie at Vien, kundi pati na rin nina Boss Keng, Pat Velasquez-Gaspar, at anak nitong si Isla Patriel ang Shirakawago upang masaksihan ang pagbagsak ng snow.

“First time kong mag-snow kasama si Daddy [Junnie], ayun lang, sobrang saya! Pero mas masaya kung andito ‘yung mga bata!” ani Mommy Vien. 

Kaliwa’t kanan ang paglilibot, pagtatampisaw, at paglalaro ng mga ito sa snow habang patuloy ding nilalaro si Isla.

Isa rin sa highlight ng kanilang first snow experience ay ang pagbuo ng mga ito ng snow angel.

Side Trip to Mt. Fuji

Kinabukasan, sunod naman ang kilalang Mt. Fuji sa sinubukang bisitahin ng Team Payaman.

Bukod dito, kaliwa’t kanan na food trip at shopping din ang hindi pinalampas ng grupo upang masulit ang kanilang Japan adventure. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

7 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.