Mission Accomplished: Ser Geybin Fulfills Another Dream at TP Fair 2024

Talaga namang dream-come-true para kay Ser Geybin Capinpin, isa sa top vloggers sa bansa, nang sa wakas ay makatagpo niya ang isa sa mga inspirasyon niya sa vlogging.

Noong nakaraang taon, sa kaniyang Team Payaman Fair Paawer Up experience, unang ibinahagi nito ang emotional meet-up with Cong TV na agad pang naging top trending sa YouTube.

Pangarap Na Plano

Sa kakatapos lang na Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights, muling nagbalik ang Capinpin Brothers na pinangungunahan ni Ser Geybin dala ang kaniyang “PANGARAP NA PLANO.”

“Naalala niyo nung unang punta natin sa TP Fair? Na-meet ko yung pangarap kong tao, si Sir Cong… umiyak pa ko  no’n,” kwento ni Ser Geybin.

Ayon sa kaniya, tutuparin dapat niya ang kaniyang ultimate goal na makipag-swap ng merch na SERGE Clothing kapalit ang Cong Clothing mula sa kaniyang tinitingalang vlogger na si Cong TV upang mapapirmahan ito at mapa-frame.

Ngunit, nabigo siya noong nakaraang taon dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman sa kanilang pagkikita. 

“Kumbaga syempre idol mo, eh. Kaso ‘di ko na nagawa kasi na-blanko na isip ko. Kaya ngayon, gumayak kayo at lusubin natin ang Team Payaman Fair,” determinadong sabi niya.

The Reunion

Sa kanilang muling pagkikita sa Team Payaman Fair 2024, desididong lumusob ang Capinpin Brothers sa booth ni Cong TV dala ang desisyon na hindi na muling papayag na makaligtaan ang pagkakataon.

“Kailangan ‘di [na] ako ma-starstruck…” ani Ser Geybin.

At sa pagkakataong nalaman ni Ser Geybin na nasa Cong Clothing booth si Cong TV, hindi na niya pinalampas ang pagkakataong muling makita ito at maisakatuparan ang kaniyang pangarap.

Paawer!!!

Matagumpay naman nilang nagawa ang pangmalakasang plano nang puno ng excitement, saya, at pasasalamat.

Gayunpaman, hindi lang ang “clothing trade” ang nangyari. Si Ser Geybin ay nakatanggap din ng guitar picks mula kay Cong matapos ang comeback ng bandang COLN sa TP Fair stage— isang bagay na hindi niya inaasahan ngunit labis na ikinatuwa. 

Sa huli, punong puno ng kagalakan ang 27-anyos na vlogger nang makita na niya sa kaniyang pader ang kaniyang pangarap na frame laman ang Cong Clothing t-shirt at guitar picks mula kay Cong TV. 

“Natupad na naman ang isa sa aking napakagandang pangarap,” saad niya.

Watch the full vlog here: 

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

5 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

5 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.