How and Why Toni Fowler Started The ToRo Family Reality Show?

Isa ngayon sa mga pinaka-inaabangan sa social media ay ang reality show na hatid ng Toro Family ng content creator na si Toni Fowler.

Alamin ang tunay na dahilang nag-udyok sa kanilang pamilya upang simulan ang kanilang YouTube serye.

Offbeat ft. Toni Fowler

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasama ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kapwa content creator at kaibigan na si Toni Fowler sa kanyang ika-pitong Offbeat podcast episode.

Bukod sa chikahan tungkol sa kani-kanilang love life, pagiging isang ina, at pagnenegosyo, isa sa mga napag-usapan ng dalawa ay ang top-trending reality show ng ToRo Family. 

Unang ipinahatid ni Viviys ang kanyang pagkatuwa sa pagbisita ni Toni sa kanyang vlog dahil isa ito sa mga masusugid na sumusubaybay ng kanyang reality show.

“Kung alam n’yo lang kung gaano kadami dito sa bahay ang nanonood ng reality show, kaya n’ung pupunta ka rito [Mommy Oni], alam ng mga ‘yan!” kwento ni Viviys.

Kwento ni Viy, ToRo Family ang kauna-unahang grupo ng mga vloggers na gumawa ng reality show online sa Pilipinas.

Ibinahagi rin nito ang paghanga ng asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV sa kakaibang talento at pagkamalikhain ni Mommy Oni.

Laki namang pasasalamat nito sa suportang natanggap mula sa Team Payaman.

The Backstory

Walang pagdadalawang isip na inusisa ni Viviys ang pinagmulan ng online reality show ng ToRo Family. 

“Dati kasi, hindi naman ako gusto ng mga tao, pero simula n’ung nag-vlog [ako], madaming nagco-comment na ;Grabe, gustong gusto namin ‘yung pagiging totoo mo,’ kwento ni Mommy Oni.

Nais din aniya niyang mabigyan ng mas malalim pang konteksto ang mga kaganapan sa kanilang pamilya upang mas lalong maunawaan ng mga manonood ang kanilang mga content.

“Doon nagstart maging okay ‘yung buhay namin, n’ung nag-start akong magpaka-totoo talaga,” aniya.

Ibinahagi rin nito na naging mahirap para sa kanyang mga kasamahan sa bahay na sumali sa kanyang reality show, na kanila ring napagtagumpayan matapos ang tatlong taon.

“Inuto ko ‘yang mga ‘yan! Pero n’ung tumatagal na, ‘Kaya nga reality show e! Ganyan tayo e!’ biro nito.

Taas noo ring ibinahagi ni Mommy Oni na hindi na nito iniisip ang mga negatibong sasabihin ng iba sa kanilang mga inilalabas na content online.

“Kahit anong gawin mo, laging may sasabihin sa’yo ang ibang tao. So ang nasa isip ko lang talaga, hayaan na natin kung ano ang sasabihin nila!” payo nito.

Netizens Reactions

Inulan naman ng mga positibong komento ang tambalang Viviys at Mommy Oni matapos ang kanilang makabuluhang podcast interview.

@boopeaj: “Isa ito sa mga totoo at walang pakialam na interview. Sobrang genuine ni Viy at Toni.”

@treshealouisedevera3096: “Mommy Oni and Viviy’s in one frame huhuhu my heart!”

@celecle3419: “Parehas madaldal ang mga person na ‘to! I love you both!”

@mikyllaparreno6116: “Dahil kay toni talaga na-appreciate ko yung personality ni viy… And now nagpupuyat na ko to watch Viy’s vlogs!”

@ItsChammy: “Nakakatuwa yung bonding ni Toni at ni Viy! Talagang parang nakukwentuhan lang kung paano yung kwentuhan nila nung last vlog ni Toni hanggang dito walang pinagbago!”

Watch the full episode below: 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *