Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang kanyang nobya labis ang suporta sa karera nito.

Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy ng relasyong binuo nina Malupiton at Joy matapos nitong ibigay ang kanyang matamis na “oo”.

Supportive Relationship

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ginulat ng social media comedian na si Malupiton, a.k.a Joel Ravanera ang mga manonood sa magandang balita.

Bago pa man hingin ni Joel ang mga palad ng nobya nitong si Joy, muli nitong binalikan ang tamis ng kanilang pagsasama bilang mag-nobyo ng sampung taon.

Isa sa mga katangian ni Joy na talagang nagpa-antig sa puso ni Joel ay ang pagkamaalalahanin nito pagdating sa kanya. 

“Minsan, iiwanan n’ya ako ng pera sa bag ko or sa wallet ko. Kaya nga sabi ko [sa kanya], pag nagkaroon ako, bawi ako sa’yo!” emosyonal na kwento ni Joel.

Hindi pa man nakikilala si Joel sa mundo ng social media, labis na ang suportang ipinakita ni Joy sa kanyang nobyo.

The Proposal

Sa nasabing vlog, ipinasilip din ni Joel ang kanyang naging mga paghahanda para sa kanyang proposal.

Kwento ni Joel, halos isang buwan din ang inabot bago nito makuha ang ipina-customize na singsing para sa nobya.

“Sana magustuhan n’ya, and sana, mag-yes siya!” hiling niya.

Upang mas lalong maging espesyal ang kanyang proposal, minabuti ni Joel na magpo-propose habang sila ay namamasyal sa Taiwan.

Una munang nagpalipad ng lantern ang grupo nina Joel dala ang kanilang mga isinulat na kahilingan sa isang sikat na tourist spot sa nasabing bansa.

Matapos paliparin ang lantern, agad na lumuhod si Joel sa harap ni Joy bitbit ang singsing na handog nito para sa nobya.

“Sa’yo na si Malupiton! Forever! Will you marry me?” hirit ni Joel.

Hindi na napigilang maging emosyonal ni Joy nang hingin na ni Joel ang kanyang palad, dahilan upang ibigay nito ang kanyang matamis na “Oo”.

Congratulatory Messages

Inulan naman ng mga pagbati mula sa kanyang mga taga-suporta ang nasabing vlog matapos matunghayan ang isa sa hindi malilimutang tagpo sa kanyang buhay.

@makayobabstv9230: “Boss na pa luha ako habang naka ngiti congrats boss”

@markchristiandeguzman-wi8eg: “Congratss Kuyaaa! Lupit mo!”

@KuyaKeebs: “Alam ko na hashtag sa kasal nyo – #KUPALagi Congrats, Mr & Mrs Malupiton (soon to be)”

@fuyumi30: “Congrats boss!!! Naiyak ako sa proposal mo hahahaha”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.