Velasquez-Gaspar Family Sees Second Baby For The First Time Through 3D Ultrasound

Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar.

Sa video, matutunghayan ang isang heartwarming bonding moment habang ipinakikilala ang bagong miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng 3D ultrasound.

Hello, Ading!

Sa vlog, makikita ang saya at excitement nina Mommy Pat at Daddy Boss Keng habang sabay nilang inaasahan ang unang pagkikita ng kanilang unico hijo na si Isla at ang kaniyang bagong kapatid.

 “I’m meeting Ading!” wika nila, habang excited para kay Isla boy.

Ayon kay Mommy Pat, bagamat alam ni Isla na ang tinutukoy nilang “Ading” ay nasa tiyan pa lang, hindi pa niya lubos na nauunawaan na mayroon na siyang kapatid na paparating.

Pagdating sa klinika, naging maayos ang buong proseso ng 3D ultrasound. Lahat ay sabik na makita ang itsura ng kanilang bagong baby boy. 

Mini-Boss Keng

Nang makita na nila ang unang larawan ng kanilang anak, emosyonal ang mag-asawa sa tuwa.

“Ang saya saya ko… sobrang cute!” ani ni Mommy Pat habang tinitingnan ang kanilang bagong baby.

“Hala, kamukha mo [Keng]… [Dalawang] mini Boss Keng! Medyo masakit sakit sa ulo ata ‘yun, ah?” dagdag na biro pa ni Mommy Pat.

Patriel

Ibinahagi rin ng mag-asawa Pat at Keng na “Patriel” din ang magiging second name ng kanilang second baby bilang pag-alala at pagsasama ng kanilang mga pangalan. 

“Lahat ng baby namin may Patriel… kasi combination ng pangalan namin,” pagpapaliwanag nila.

Watch the full vlog here:

Angel Asay

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.