Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Kuya Mavi, nagtungo ang kanilang pamilya sa Legoland Malaysia.
Isa sa mga pinagka-abalahan ng mga chikiting ay ang swimming, dahilan upang maipamalas ang mga natutunan nila sa kanilang isinagawang swimming lessons.
Sa bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, hatid nito ang part 2 ng kanilang Legoland Malaysia trip para sa 6th birthday celebration ni Kuya Mavi.
Matapos bisitahin ang Sea Park at Theme Park, sunod naman nag-bonding ang pamilya Iligan-Velasquez sa Legoland Waterpark.
All geared-up ang Team Iligan-Velasquez para sa huling aktibidad para sa kanilang last full day sa Malaysia.
Matatandaang kamakailan lang ay sumabak sa swimming lessons ang magkapatid na Mavi at Viela.
Sa nasabing vlog, ibinida ng proud parents na sina Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, at Mommy Vien ang natutunang swimming skills ng mga anak mula sa kanilang pinagdaanang swimming lessons.
Ipinamalas ni Mavi ang kanyang kakayahang lumangoy ng hindi na nangangailangan ng gabay mula sa kanyang mga magulang.
Ganun din naman ang ipinakita ng bunso si Alona Viela, na nakisabay din sa paglangoy ng kanyang Kuya Mavi.
Bukod sa pagsisid, ipinakita rin ng mga ito ang kanilang kakayahan na mag-floating kahit pa malalim ang tubig.
Laking tuwa hindi lamang ng kanilang mga magulang, kung hindi pati na rin ng ilan sa kanilang mga kasama sa kanilang ipinamalas na swimming skills.
Sinubukan din ng mga ito ang ilang mga atraksyon sa nasabing waterpark gaya ng mga improvised falls, at interactive slides.
Watch the full vlog below:
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng Team Payaman content creator na si Clouie Dims…
In less than two weeks, the third leg of the Team Payaman Fair will finally…
Isa sa mga hindi malilimutang “era” ng solid Team Payaman fans ay ang taong 2020,…
Inimbita ni Douglas Brocklehurst, a.k.a. DougBrock sa kanyang bagong sit-down podcast episode ang musician at…
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon na ng limited-edition Team Payaman memorabilia ang binubuong museum ng content…
This website uses cookies.