Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng Team Payaman content creator na si Clouie Dims ang ikatlo at ika-apat na araw sa kanilang adventure trip sa Hubei, China.
Matatandaan sa una niyang vlog ay ibinida ni Clouie ang kanilang pag-iikot sa Wuhan, ngayon naman ay ibinida niya ang iba’t ibang aktibidad na maaring gawin sa iba pang bahagi ng Hubei.
Kung ikaw ay turistang naghahanap ng lugar na may magandang tanawin at mapagkukuhanan ng artistikong inspirasyon, baka Yangtze River Cruise na ang para sa iyo.
Ang Yangtze River ay tinaguriang pinakamahabang ilog sa Asya at ikatlo naman sa pinakamahabang ilog sa mundo.
Ipinakita ni Clouie kung paano dumaan ang kanilang cruise ship sa gitna ng Gezhouba Dam, ang kanilang mga magagandang tanawin na nasaksihan, at pati na rin ang mga masasarap na pagkain na kanilang natikman doon.
Ipinasilip din ni Clouie ang kanilang naging side adventure sa “Tribe of the Three Gorges” sa Yichang, Hubei, kung saan kanilang nasaksihan ang ganda ng pinagsamang natural na tanawin pati na rin ang makasaysayan nitong kultura.
Kung ikaw naman ay turistang sabik sa mga kwentong kasaysayan, Ancient City of Jingzhou ang dapat mong bisitahin.
Ito ay tinaguriang Historical and Cultural Tourism Area bitbit ang halos dalawampung taon na kasaysayan ng lugar.
Isa sa ibinahagi ni Clouie ay ang Jingzhou Ancient City Wall na kwento niya ay mas nauna pang nabuo sa tanyag na Great Wall of China.
Kung ikaw naman ay naghahanap ng exciting adventure with a scenic view, Optics Valley Sky Monorail ang para sa’yo.
Ibinahagi ni Clouie ang kanilang kakaibang suspended skytrain experience na tumatahak sa halos siyam na kilometrong byahe mula hilaga hanggang timog.
Bago naman matapos ang vlog ay ibinahagi ni Clouie ang Jianghan District nightlife para sa mga turistang naghahanap ng perfect shopping and food trip spot sa Wuhan.
“Ang daming pwedeng mabili dito, daming pwedeng ma-shop, ang daming pwedeng kainan. Super nice talaga,” ani Clouie.
Ito na ang sign mo para tapusin ang taon sa isang masayang adventure trip kagaya ni Clouie.
Watch the full vlog here:
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
This website uses cookies.