Isa sa mga hindi malilimutang “era” ng solid Team Payaman fans ay ang taong 2020, kung saan araw-araw nagbibigay saya ang grupo sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng buong mundo.
Sa likod ng kani-kanilang mga daily vlogs at funny contents ay ang reyalidad kung paano nga ba nila nalampasan ang takot at hadlang na dala ng pandemya pagdating sa content creation.
Sa isang exclusive episode ng Dougbrock Radio podcast, present ang Team Payaman member na si Antony Jay Andrada, a.k.a Yow upang ikwento ang buhay ng pagiging isang vlogger at musikero.
Sa gitna ng pagkekwento nito patungkol sa kanyang pinagdaanan bilang isang vlogger, naibahagi rin nito kung paano nasimulan ng Team Payaman ang kanilang vlogging journey.
“Eventually n’ung 2020, ‘dun na nag-start magsama-sama kami nila Junnie Boy, nila Keng, tapos na kasi ‘yung school nila,” kwento ni Yow.
Aniya, tila nakasulat sa tadhana ang kanilang naging kapalaran dahil nagbukas ng oportunidad ang pandemya para sa buong Team Payaman na mas makilala pa sa mundo ng content creation.
“Good thing, Cong is very… [May sense of] leadership si Cong. He will say na ‘Hindi pwede, kailangan gumawa tayo ng paraan.’ D’un nag-start na magkaroon ng malakas na Team Payaman talaga,” kwento nito.
Ayon kay Yow, kanilang ginamit ang oportunidad na hatid ng pandemya upang mas marami pa ang makapanood ng kanilang mga content online.
“N’ung time na ‘yon, talagang ginrab namin ‘yung opportunity na nasa loob lang ng bahay [ang mga tao]. Parang nagbe-brainstorm kamin na anong content ang gagawin namin,” paliwanag nito.
Iba’t-ibang uri ng content ang inuupload gaya ng mga skits, game shows, at marami pang iba ang bawat Team Payaman members, dahilan upang hindi magsawa ang mga manonood.
Sa likod ng tagumpay ng Team Payaman sa pag-papalawig pa ng kani-kanilang online community, hindi ito nakatakas sa reyalidad na hatid ng content creation.
Ibinahagi ni Yow ang ilan sa mga tagpo na kailanma’y hindi nito ibinahagi on-cam sa kasagsagan ng paggawa ng contents noong may pandemya.
“Nagkaroon ng wrong perception ang mga tao sa amin. Akala nila, [sa loob ng] 24 hours, gan’on kami [kagulo],” kwento nito.
“Akala nila masaya lang kami parati. ‘Yung nakikita n’yo dati sa camera, talagang once naka-open kasi ‘yung camera, lahat mag-aambag,” dagdag pa nito.
Ayon kay Yow, lahat ay may kani-kanilang kontribusyon sa vlogs ng bawat isa, dahilan upang makamit ng mga ito ang pagmamahal at suportang tinatamasa mula sa mga solid fans.
“‘Yung mga content na ginagawa namin, talagang pinag-iisipan namin,” pagbabahagi pa nito.
Sa likod ng tagumpay na kanilang tinatamasa, hindi nagdalawang isip si Yow na bigyan ng kapurihan ang Team Payaman head na si Cong TV.
“Si Cong lahat ng nag-o-orchestrate n’yan kasi s’ya lang ang may pinakamalakas na loob na gawin ‘yan. Kaya s’ya ganyan kalaki kasi ganun kalalim s’ya mag-isip, at grabe rin ang nakukuha n’yang blessing kasi sobrang bait ng tao na ‘yun!” dagdag pa ni Yow.
Watch the full vlog below:
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng Team Payaman content creator na si Clouie Dims…
In less than two weeks, the third leg of the Team Payaman Fair will finally…
Inimbita ni Douglas Brocklehurst, a.k.a. DougBrock sa kanyang bagong sit-down podcast episode ang musician at…
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon na ng limited-edition Team Payaman memorabilia ang binubuong museum ng content…
This website uses cookies.