Cong TV Applies as Move It Rider in Latest Vlog

Dahil sa patuloy na paglaki ng Cortez-Velasquez Family, kinailangan ni Cong TV, ang nag-iisang Paawer vlogger, na subukan ang bagong sideline.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Cong TV ang kanyang “Move It Rider Journey,” na bagamat puno ng pagsubok, ay nagbigay din ng mga masayang alaala.

Cong the Rider

Sinimulan ni Cong ang kanyang Move It journey sa pamamagitan ng pagrerehistro at masusing pagsasanay sa Move It Training Facility Main, kung saan isinagawa ang skills at vehicle check.

“Ano ‘to, Boss? Sideline mo lang? Ako kasi manganganak yung asawa ko,” bungad niya sa kapwa-aplikante.

Bagamat hindi pinalad si Cong sa unang skills and vehicle check, hindi siya sumuko at nag-isip ng bagong estratehiya.

Old But Gold Warsak

Dumating naman ang solusyon nang ibalik ni Cong ang kanyang iconic motorsiklong si Warsak.

Tumatak sa mga manonood ang mga nostalgic na alaala ni Cong TV at ang kanyang motor na si Warsak dahil gamit na niya ito simula nang siyang nagsisimula palang bilang vlogger.

Bilang paghahanda sa misyon ni Cong at ni Warsak, dumaan si Warsak sa isang malupit na rebuilding at training session.

“Di ko trip siyang i-customize… Ang gusto ko lang talaga, mabalik siya sa dating itsura niya. Para sa kanya rin ‘yan e. ‘Saka may misyon kaming dalawa…” ani Cong TV.

Isang new and improved Warsak ang naging katuwang ni Cong TV sa kanyang Move It journey.

Paawer!

Sa kanyang pagbabalik sa Move It Training Facility, nakatanggap si Cong TV ng sertipiko bilang patunay ng kanyang matagumpay na pagsasanay at siya na ngayon ay isang ganap na Move It rider.

Bago pa tuluyang sumabak sa bagong sideline, ipinakita muna ni Cong sa kanyang misis ang motorsiklong naging  parte na ng kanilang kwento. 

“Ano yan? Si Warsak ba yan?!” excited tanong ni Viviys.

“Si Warsak ‘to… ‘Di ba gusto mong maka-date? Ikaw ang una kong pasahero,” sagot ni Cong TV.

Ituloy naman ni Cong TV ang pagiging Move it rider matapos ang “Special First Move It passenger” drop off.

Alamin ang buong kwento sa kaniyang bagong vlog:

Angel Asay

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

20 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

20 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.