Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Kuya Mavi, tinupad nito ang pangarap ng anak na makarating sa Legoland Malaysia.
Tunghayan ang mga masasayang tagpo sa likod ng Legoland birthday trip ni Kuya Mavi.
Sa bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, ipinasilip nito ang ilang tagpo sa selebrasyon ng kaarawan ng panganay na si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi.
Pagpatak pa lang ng alas-dose ng gabi, sinurpresa na nina Mommy Vien at Daddy Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, si Mavi ng cake para sa kanyang birthday salubong.
Present din ang kanyang Lolo Val (Papa Shoutout) at Lola Jovel na nakikanta ng “Happy Birthday” para kay Mavi.
Sa isang Facebook post, pinauna na ni Mommy Vien ang kanyang pagbati para sa kanyang panganay.
“You’re the best thing that ever happened to me. Happy 6th Birthday Kuya Mavi! We love you so much! Let’s go to Legoland!!!!” ani Mommy Vien.
Kinabukasan, lumipad pa-Malaysia ang Team Iligan-Velasquez upang matupad ang birthday wish ni Mavi na bumisita rito.
Upang mas lalong maging masaya ang kanilang experience, nag-check in na rin ang mga ito sa Legoland Hotel na s’yang ikinatuwa ni Mavi.
Kaliwa’t-kanan na paglalaro sa indoor playground at ng mga bricks ang una sa listahan ng mga aktibidad na ginawa ni Mavi pagdating sa Legoland.
“Talagang makikita mo lahat lego ‘no? ‘Di ‘ba ito ‘yung mga nilalaro mo? Nakikita mo ngayon?” tanong ni Mommy Vien sa anak.
Maya-maya pa, sinimulan na ng mga ito ang kanilang Legoland adventure sa pagbisita sa Sealife na kung saan namangha hindi lamang si Mavi, kung hindi pati na rin ang bunso nitong si Alona Viela.
Nakiisa rin ang mga ito sa ilang aktibidad gaya ng fish viewing, interactive activities, pagguhit ng sea creatures, at souvenir shopping.
Kinabukasan, sunod namang pinuntahan ng mga ito ang Legoland Theme Park, kung saan sinilip nila] ang ilan sa mga naglalakihang Lego toy figures. Game na game muli sina Mavi at Viela na bumuo ng kani-kanilang Lego creatures.
Maya-maya pa ay sumubok na ang mga ito ng ilang rides sa loob ng nasabing theme park.
Ipinahatid naman ng ilan sa kanilang malalapit na kaibigan at mga nakapanood ng birthday vlog ni Mavi ang kanilang pagbati para sa kaarawan ng panganay nina Junnie at Vien.
Viy Cortez-Velasquez: “[We] Love You kuya bili ka namin ni tito cocon gift dito [sa Hong Kong].”
Yiv Cortez: “Happy birthday Mavi!”
Kevin Hermosada: “Happy birthday kuya Mavi! labyu!!”
Watch the full vlog below:
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.