Dudut Lang and Ninong Ry Take On Cooking Face Off ft. Knorr

Dahil malapit na ang kapaskuhan, hatid ngayon ng resident Team Payaman cooks na sina Dudut Lang at Ninong Ry ang ilang easy-to-follow Pinoy-style recipes.

Mahilig ka man sa Tacos o Burrito, talaga namang level-up ang lutuin kasama ang Knorr Liquid Seasoning.

Barbecue Burrito

Sa kanyang bagong TikTok upload, nag-sanib pwersa ang resident chef ng Team Payaman na sina Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang at Ninong Ry.

Sumalang sa isang cooking face-off ang mga ito, kung saan ibinida ang paraan kung paano nga ba mas mapapasarap ang Mexican food na Burrito at Tacos with a Pinoy twist.

Para sa Barbecue Burrito, unang ininit ni Dudut ang tortilla wrap sa chicken oil na may katamtamang init sa loob ng isang minuto.

Sunod na nilagay ang kanilang inihandang buttered rice, na sinundan ng pork barbecue na binabad sa Knorr Liquid Seasoning marinade.

“Kita mo? Nagsasama-sama na ‘yung sarap n’ya!” reaksyon nito.

Huwag kalimutang ilagay ang pickled onions, pico de gallo, mais, at salsa verde para sa mas malasang palaman. 

I-rolyo ang tortilla wrap laman ang mga rekados na nabanggit at muling initin sa katamtamang apoy upang magsara ito at ibalot sa aluminum foil pagkatapos.

Pinoy-Style Tacos

Pinoy-style Tacos naman ang napiling ihanda ni Ninong Ry para sa kanilang cooking face-off ni Dudut.

Unang inihanda ni Ninong Ry ang kanyang maliliit na tortilla wrap, at sunod nitong ipinatong ang pork barbecue na kanila ring ibinabad sa Knorr Liquid Seasoning marinade.

Naghiwa rin ito ng maninipis na hibla ng sibuyas, salsa verde, grilled corn, peta cheese, at cilantro upang mas maparasap ang kanyang Pinoy-style tacos.

Level Up with Knorr Liquid Seasoning

Mas lalong pinasarap ang mga lutuin nang gamitan nina Ninong Ry at Dudut ang kanilang Pinoy-style recipes ng Knorr Liquid Seasoning.

Bukod sa pagiging #1 pagdating sa pagma-marinade, kanila rin ito nagagamit sa iba’t-ibang putaheng swak sa darating na Pasko.

“Sa darating na kapaskuhan, may mapapa-sobra sa Barbecue n’yo. Promise, masarap, hindi kayo mapapahiya rito!” ani Ninong Ry at Dudut.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

What Does Team Payaman Fair Sponsors and Exhibitors Say About Their TP Fair 2024 Experience?

Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights wasn’t just another event; it was indeed…

1 day ago

Here’s How You Can Elevate Basic Tops The Vien Iligan-Velasquez Way

You may have seen the four-day basic OOTD of Vien Iligan-Velasquez at the Team Payaman…

1 day ago

Give Your Home a Luxurious Feel With VIYLine’s Perfect Scent Linen Spray

It’s already 2025, and your home deserves to be renovated, decluttered, and, most of all,…

2 days ago

Is Joining Team Payaman Fair a Good Investment? Eri Neeman Shares His Personal Experiences

When a netizen asked if having a booth at the recently concluded Team Payaman Fair…

2 days ago

Top 6 Memorable Team Payaman Fair 2024 Moments We’re Bringing in 2025

And just like that, the much-awaited third leg of the Team Payaman Fair once again…

3 days ago

How Future Glow is Changing the Beauty and Wellness Landscape in the Philippines

Have you ever wondered who’s the big name behind the crowd-favorite wellness brands you see…

2 weeks ago

This website uses cookies.