Malupiton Behind The Jokes: Joel Ravanera Shares The Struggle of Being a Breadwinner

Sa likod ng mga katagang “Bossing! Kumusta ang buhay buhay?” ay ang rising comedy content creator na si Malupiton. 

Kilalanin pa ng husto ang isa sa mga tinitingala social media personality ng kasalukuyang henerasyon. 

Who is Malupiton?

Sa pinakabagong episode ng Toni Talks series ng aktres at host na si Toni Gonzaga-Soriano, bumida ang isa sa mga sinusubaybayang content creator na si Joel Ravanera, a.k.a. Malupiton

Bukod sa kanyang mga taglines na tumatak na sa netizens, isa rin ang kanyang nakakatuwang personalidad sa dahilan kung bakit patuloy itong minamahal ng kanyang mga manonood.

Naikwento nito na hindi nalalayo ang kanyang personalidad bilang Joel sa personang ipinapakita ni Malupiton sa kanyang social media pages.

“Actually, noon pa po namin ginagawa ‘yon. Hindi lang namin ina-upload. Hindi lang po namin alam na okay lang sa iba, na makaka-relate sila,” saad ni Joel.

Taong 2020, sa kalagitnaan ng pandemya, nagsimulang mag-upload ng mga nakakatuwang videos si Joel kasama ang kanyang mga kaibigan na tinaguriang “Kolokoys TV”.

“Inimprove nang inimprove po namin ‘yung mga video, hindi na po namin namamalayan na nag-go-grow na po ‘yung views, followers [namin],” kwento nito.

Taong 2022 naman nang simulan nitong gawan ng sariling page ang persona ni “Malupiton” na s’yang patuloy na nakikilala sa ngayon.

A Breadwinner

Bago tuluyang maging ganap na content creator, ilang butas ng karayom na ang pinagdaanan ni Joel.

Maaga itong namulat sa responsibilidad nang nagsimula na itong magtrabaho pagkatapos nitong mag-high school.

Aniya, isa ang problema sa pera sa mga dahilan kung bakit hindi na siya tumuloy sa kolehiyo at piniling mag-trabaho na lamang.

“Nag-trabaho na ako n’un, simula 16. Pagka-graduate ko ng high school, ilang months lang nag-trabaho na ako.”

Taas noo na ipinagmamalaki ni Joel na minsan itong nag-trabaho bilang sales clerk, at kitchen staff bago maging tuluyang maging isang social media star. 

Naikwento rin ni Joel na minsan na itong namigay ng mga flyers para sa restaurant na kanyang pinapasukan.

Naging emosyonal naman ito nang balikan ang isa sa mga hindi nito makakalimutang tagpo habang nagta-trabaho.

“May nakita po akong pamilya, kumakain sila, napa-stop ako habang namimigay ako ng flyers. Sabi ko, ‘Lord, sana dumating ‘yung araw na mailabas ko sina Mama tsaka sina Tatay.’ ‘Yun yung pangarap ko eh, mailabas ‘yung mga magulang ko.” 

Touching Messages

Marami ang naantig sa kwentong hatid ni Joel sa kanyang mga taga-suporta, dahilan upang mas lalo nila itong hangaan.

@bryansantos7451: “When a comedian shows their tears, it hits differently. I admire Malupiton—he’s genuine and kind. Wishing you more blessings, Joel!”

@Jasey_GwaPogi: “Sabi nga eh, mas malungkot ang buhay ng isang comedian. The reason they show their funny or happy side is that they don’t want others to feel the same sadness they do.”

@mhikemysterio5149: “Ganitong mga tao o vlogger na sinusuportahan natin. Kak*palan ang content pero ang laban sa buhay makabuluhan. Deserved ng taong to natatamasa n’ya ngayon.”

@kean_hiyas: “Minsan ang mga taong masayahin sila papala ang may tinatagong sakit na dulot ng kahapon dinadaan na lang sa pagpapasaya para hindi na malala ang masasakit na pinag-daanan.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

5 Affordable Personalized Christmas Gift Ideas by VIYLine Print

Christmas is happening in less than a month… have you planned your gifts yet? Or…

5 hours ago

Dudut Lang and Ninong Ry Take On Cooking Face Off ft. Knorr

Dahil malapit na ang kapaskuhan, hatid ngayon ng resident Team Payaman cooks na sina Dudut…

5 hours ago

Viyline Group of Companies Brings Hope to Bicolanos Through Bayanihan Relief Operations

Masalimuot man ang naranasan ng mga Bicolano dulot ng mga sunod-sunod na bagyo nitong mga…

1 day ago

SM Supermalls and Viyline Media Group Join Forces for MSME Empowerment

Viyline Media Group (VMG) and SM Supermalls officially signed a strategic partnership on November 29,…

2 days ago

Team Payaman Wild Cats Go on a Boracay Bridal Shower For Aki Angulo

Dahil nalalapit na ang kasalang Burong at Aki, isang surprise bridal shower ang handog ng…

2 days ago

Ivy’s Feminity Enters a New Era: Clothing For Men and Women, Now Availaable

For over four years, Ivy’s Feminity has been established as an online clothing business offering…

5 days ago

This website uses cookies.