Team Payaman Wild Cats Go on a Boracay Bridal Shower For Aki Angulo

Dahil nalalapit na ang kasalang Burong at Aki, isang surprise bridal shower ang handog ng Team Payaman girls para sa bride-to-be.

Tunghayan ang mga tagpo sa all-girls trip ng Team Payaman sa Boracay Island para sa beach bridal shower ni Aki.

Surprise Bridal Shower

Bago matapos ang taon, isang Team Payaman couple na naman ang haharap sa simbahan upang maging opisyal na mag-asawa, ito ay sina Aaron Macacua, a.k.a Burong at Aki Angulo.

Bago pa man tuluyang ikasal, isang surprise bridal shower ang inorganisa ng Team Payaman Girls sa Boracay. 

Present sa nasabing bridal shower sina Vien Iligan-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, Venice Velasquez, Clouie Dims, Eve Marie Castro, at Kha Kha Villes

Quick Boracay Trip

Sa bagong vlog ni Vien, ipinasilip nito ang mga tagpo sa kanilang inihandang surprise bridal shower para sa kaibigan.

Pagkalapag pa lang ng Boracay ay nagtungo na ang mga ito sa Two Seasons upang kumain ng hapunan.

Sama-sama rin ang mga ito na naglibot sa mapuputi at pinong buhangin ng Boracay uparang maranasan ang nightlife sa nasabing isla. 

Hindi rin nito pinalampas na sumubok mag-cafe at bar hopping, dala-dala ang mga nakakatuwang kwento sa bawat isa.

Kinabukasan, full force muli ang Team Payaman girls sa pag-tambay sa dalampasigan at paglangoy sa dagat.

Kaliwa’t kanang food trip din ang hatid ng mga ito matapos subukan ang ilang mga putahe at panghimagas na ipinagmamalaki ng mga taga-Boracay.

Thankful Bride

Matapos ang kanilang all-girls trip, emosyonal na pinasalamatan ni Aki ang kanyang mga kaibigan sa regalong kanyang natanggap.

“Thank you so much sa pag-pull off ng Boracay trip na ‘to. Alam kong sobrang [hirap] from the planning, alam ko kung paano kayo mag-isip!” biro nito.

Dagdag pa ni Aki: “Thank you kasi hindi n’yo ako tinuring na iba, and most specially, napaka-generous n’yo. Thank you, thank you so much!” 

Ipinahatid din nito ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga kaibigan sa isang Facebook post.

“Can’t say ‘I do’ without you, girls! That ‘alam namin gaano mo ka love ang beach kaya dinala ka namin’ hits me straight to the heart and soul. Incomplete, but here’s to jet-setting to a lifetime of love. Thank you to Kha Kha for flying almost 200 miles to be with us for 24hrs in Bora!” aniya.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.