#KayeAlvinNakatadhana: Newlywed Doc Alvin Francisco Shares Wedding Tips

Sa kanyang bagong vlog na pinamagatang “Ang Kasal ng Doctor ng Team Payaman,” ibinahagi ang vlogger at TP Friends na si Doc Alvin Francisco ng ilang tips para sa mga nagbabalak ikasal.

Wedding Tips

Sinimulan ni Doc Alvin ang vlog sa pagbabahagi ng kanyang sariling karanasan sa kasal niya kamakailan sa kanyang long-term girlfriend at fiance na si Doc Maki Bondoc.  

Ma-apply ko na finally ang aking mga tips para sa mas matagal na pagsasama,” ani Doc Alvin.

Kwento ni Doc Alvin, tila naging sobrang babaw at putol-putol ang kanyang tulog, sa kabila ng pag inom ng sleepings aids, sa gabi bago ang kasal.

Isa sa kanyang tip na ibinahagi ay ang pagkuha ng wedding coordinator upang makabawas sa isipin ng parehong bride at groom. 

Isa pa sa tip na ibinahagi ni Doc Alvin ay ang pagsasaalang-alang ng distansya ng simbahan at reception venue na aniya hangga’t maari ay magkalapit lang.

Ikinasal sina Doc Alvin at Doc Maki sa Shrine of St. Therese Church sa Newport, Pasay at ang reception naman ay ginanap sa Marriott Hotel na halos dalawang minuto lamang ang layo. 

Para naman sa cocktail hour sa reception, siguraduhin aniya na punuin ito ng samu’t saring food cart at aktibidad na maaring maging daan para sa mga bisita upang makipaghalubilo at makakuha ng mga litrato habang naghihintay. 

Isa rin sa naging paborito niyang parte sa kasal ay ang kanilang grand entrance at first dance bilang mag-asawa. 

Malaking bagay daw hindi maging kuripot para dito at talagang mag-invest sa pagkuha ng choreographer sapagkat aniya ay iba ang personal at dahan-dahang nakakapagturo kumpara sa pag-aaral lamang ng ilang steps sa YouTube. 

Dagdag pa ni Doc Alvin ay laking tuwa sa kanyang puso na naging matagumpay ang pinaghandaan niyang surpresa para sa kanyang asawa na imbitahin ang paborito nitong OPM band na Dionela.

Nagpaabot din naman ng pasasalamat si Doc Alvin sa  Kim Torres Events, ang kanilang coordinator, pati sa kanilang mga wedding suppliers.

Sobrang gaan niyo po katrabaho and sobrang ganda po ng mga services na ibinigay and ibinahagi niyo sa amin,” mensahe ni Doc Alvin.

Tinapos din ni Doc Alvin ang kanyang vlog sa pamamagitan ng pagpapa abot ng taos-pusong mensahe para sa lahat ng dumalo sa kanilang kasal.

“Big shoutout sa mga sumuporta sa aming wedding, sa mga nagpunta, sa  aming mga ninong, ninang, Team Payaman, sa aming mga coordinators, list of suppliers, thank you so much po and sana nag-enjoy kayo!”

Watch the full vlog here: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.