Isa ang mga katagang “Arat Na!” sa mga tumatak sa mga manonood ng vlogger na si Zeinab Harake.
Lingid sa kaalaman ng ilan ang tunay na kwento sa likod ng masaya vlog intro na ito, na s’yang ibinulgar ng Harake Siblings.
Sa bagong YouTube upload ni Zeinab Harake, kasama nito ang mga kapatid na sina Wessam Harake at Rana Harake para sa isang podcast series.
Nabanggit ni Zeinab na noon pa man ay nais na niyang bumuo ng podcast kasama ang kanyang mga kapatid. Gusto rin aniya nilang magkakapatid na ang unang episode ng podcast ay tungkol sa pagpapakilala sa kanilang nakatatandang kapatid na pumanaw na noong 2015.
“Mayroon talagang isang certain akong nakitang TikTok video na nasabi kong kung gagawa kami ng podcast magkakapatid, ito ‘yung about sa aming ate!” ani Zeinab.
Sa nasabing podcast episode, buong tapang na ibinahagi ng magkakapatid na Harake ang buhay ng kanilang pagiging magkapatid.
Isa rin sa mga ipinakilala nina Zeinab ang nakatatandang kapatid nito na si Tara, na yumao dahil sa sakit.
“Maraming mga usapin tungkol sa ate ko na hindi talaga nagtugma-tugma lahat dahil never din talaga naming na-topic sa vlog,” aniya.
Siyam na taon na ang nakalilipas nang nawala ang kanilang kapatid ngunit sariwa pa rin sa mga ito ang sakit sa pagkawala ng kanilang Ate Tara.
Emosyonal na ibinahagi ni Rana ang hindi nito malilimutang tagpo bago tuluyang mawala ang kanyang Ate Tara.
Kasama nito ang kanilang ina sa pagdala sa kanilang ate sa ospital, umaga bago ang salubong sa bagong taon noong 2015.
Isa rin sa mga hindi malilimutan nina Rana at Zeinab ay ang walang humpay na pagtakbo nila mula sa Pedro Gil papunta sa Philippine General Hospital sa pag-asang maaabutan pa nila ang ang kanilang ate.
“Actually mula Mabini hanggang PGH, gan’on po kalayo ang tinakbo namin. Umuulan, tumatakbo kami ni Rana, pagdating d’on, ang naabutan natin [wala na si ate],” kwento ng mga ito.
Dahil ilang oras na lang ay bagong taon na, hindi napigilan ng magkakapatid na maging emosyonal sa pagpanaw ng kanilang kapatid.
Bilang pag-alala sa kanilang yumaong kapatid na si Tara, ibinahagi ni Zeinab ang tunay na kahulugan ng mga katagang “Arat Na!” sa kanyang mga vlogs.
“Lagi ko namang sinasabe na dine-dedicate ko ‘yung ‘Arat Na’ para sa kanya kasi name n’ya is Tara. Kabaliktaran ng Tara is arat,” saad ni Zeinab.
Ibinahagi rin ni Sam na “Arat” din ang kinagisnang palayaw nito sa kanilang ate, na s’yang dahilan upang mabuo ang katagang binabanggit ni Zeinab sa kanyang mga vlogs.
Marami netizens naman ang naantig nang marinig ang kwentong ng Harake Siblings at ipinahatid ang kanilang mensahe.
@jeanmaraguinot9593: “Walang skip grabe tinapos ko, ganda ng kwento nyo magkakapatid. Although close kami ng mga kapatid ko, pero ganda ng kwento nyo!”
@Joycetheexplorer: “Nakaka-relate ako dito in many way, ever since my brother passed away mas lalong naging close kami nung mga kapatid ko and yung papa ko na may bisyo nag stop na. Andami talagang nagbago since then, at naniniwala din ako na ayun din yung gusto ng kuya ko saaming magpapamilya. Thank you Ate Zeb for this podcast!”
@purpledreamszxs: “Ate Tara’s last advice or help given to her siblings was that she made their relationship closer and solid. Masakit lang talaga na nawala siya.”
@CristyFernandez-g4o: “Nakaka-inspire ng kwento nyo magkapatid. Sana next podcast about naman sa mom and dad nyo. God bless!”
@AiraStaMaria: “I really really understand what you feel, Zeb Rana and Sam. 4 din kami magkakapatid and this last July lang we lost our brother, so hard na alam mong 4 kayo tapos ngayon, 3 na lang lalo na at pinalaki kayo na malalapit sa isa’t-isa. I feel you guys, I watch your podcast with tears at lahat nag-flashback. Your sister and my brother always have a big part in our hearts forever.”
Watch the full vlog below:
Have you ever wondered who’s the big name behind the crowd-favorite wellness brands you see…
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
This website uses cookies.