Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims

Hindi lang munting selebrasyon ang ganap sa kanilang spooky gathering, matapos magdesisyong gawing mas memorable ang kanilang celebration sa isang 24-hour spontaneous Mindoro trip na puno ng fun and exciting memories.

Halloween Special

Nagkaroon ng munting Halloween celebration ang Team Payaman squad kung saan tampok ang kanilang street bonding suot ang kaniya-kaniyang Halloween costumes. 

The twist

Ang spooky celebration ay nauwi sa “sponty” adventure nang bigla nilang maisipang bumyahe patungo sa rehiyon ng Mimaropa, sa Puerto Galera, Mindoro, at doon ipagpatuloy ang kasiyahan.

Kasama sina Dudut Lang, Krissy Achino, Kevin Hufana, Venice Velasquez, Patricia Pabingwit, Agabus Maza, Madam Eve Castro, at iba pang barkada’y sumabak sila sa 24-hour Puerto Galera adventure.

Matapos makarating sa kanilang destinasyon sa Calapan, Oriental Mindoro, nagpahinga sila ng ilang oras at nagpatuloy sa kanilang exciting exploration ng isla. 

Mindoro adventures

Ang kanilang first stop ay ang masarap na pag-almusal at paghigop ng mainit na kape. Habang patuloy sa paglilibot hanggang sumapit ang hapon, sila nama’y nag-relax sa dalampasigan.

“After Halloween, nagdagat naman! Ganto kami ka-random,” ani Clouie.

“Napaka-sponty ng samahan na ‘to, kung anong ma-tripan, go,” natatawang saad naman ni Pat Pabingwit.

Sinubukan din ng squad ang Crazy UFO Watersports sa Puerto Galera kung saan iba’t ibang emosyon ang kanilang ibinahagi kabilang ang excitement, takot, kaba, tuwa.

Hindi rin nawala ang kanilang pagtangkilik sa Hype Genesis Party Boat, isang sikat na party boat experience sa Puerto Galera, kung saan dinarayo ng mga party enjoyers upang mag-enjoy sa gitna ng dagat katulad na lang ng magbabarkada.

Sa kabila ng pagiging biglaan ng kanilang plano, naging isang unforgettable Halloween special para sa Team Payaman ang kanilang spontaneous Puerto Galera adventure. 

Watch the full vlog here:

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

3 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.