Netizens Applaud Team Payaman’s Vienna Iligan’s Sunsilk Endorsement

Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang karangalan ang ibinahagi ngayon ng bunsong kapatid ni Vien Iligan-Velasquez na si Vienna Iligan.

Tunghayan ang isa sa mga hindi-malilimutang brand advertisement na kinabibilangan ng next-gen Team Payaman vlogger.

From Vlogging to Brand Deals

Taong 2022 nang unang simulan ni Vienna Iligan ang kanyang karera sa paggawa ng vlog, gaya ng kanyang ate na si Vien Iligan-Velasquez. 

Bukod sa vlogging, aktibo rin si Vienna sa paggawa ng contents para sa kanyang TikTok account, kung saan nagbabahagi ito ng ilang pasilip sa kanyang buhay.

Noon pa man ay masipag na si Vienna sa pagbabahagi ng ilang mga tagpo sa kanyang buhay, partikular na ang ilan sa kanyang mga commute serye, outfit checks, get ready with me videos, pati na rin ang ilan sa kanyang mga karanasan bilang isang college student. 

Ilang beses na ring umani ng milyon-milyong views ang ilan sa mga contents ni Vienna dala ng pagiging relatable nito. 

May mga malalaking brand na ring nakatrabaho si Vienna na s’yang nakatulong dito upang mas makilala at lumawak pa ang kanyang online community. 

Vienna with Sunsilk x Cosmo

Mula sa kanyang funny TikTok skits hanggang sa kanyang college life contents, isa ngayon sa mga karangalang ibinahagi ni Vienna sa kanyang mga taga-suporta ay ang pagkabilang nito sa isang malaking brand campaign. 

Sa isang Facebook post, excited na ibinahagi ng 23-anyos na vlogger ang bagong proyekto nito kasama ang Sunsilk at Cosmopolitan Philippines.

Napabilang si Vienna sa pinakabagong Sunsilk campaign kasama ang celebrity endorsers nito na sina Belle Mariano at Nation’s Girl Group na BINI.

“Grabe!! My heart was filled with so much joy when I was invited for this project, and I am happy to share it with you! Thank you so much, Sunsilk.  For more opportunities to come! Thank you, Lord” aniya.

Bukod dito, naging parte rin si Vienna at ilan pa sa kanyang mga nakasama sa nasabing campaign sa isang sponsored article ng isa sa mga tanyag na lifestyle magazine. 

Behind-The-Scenes

Sa isang TikTok video, ipinasilip naman nito ang ilang behind-the-scenes sa nasabing photoshoot with Sunsilk.

Pagkagaling sa kanyang internship duty, dumeretso na agad si Vienna sa shoot location upang masimulan na ang pag-aayos.

“Sobrang excited ako kasi first time ko ‘yon!” bungad nito

Sa likod ng pagkagalak, aminado si Vienna na hindi pa rin nawala ang kaba niya dahil ito ang kauna-unahang beses na mapapabilang siya sa malaking brand campaign.

Nabanggit din nito na labis ang pagsuporta ng kanyang ate Vien na personal na bumili ng kanyang mga susuotin para sa shoot.

“Tignan n’yo naman guys binilhan ako ng mga bagong gamit. Binili n’ya ako ng damit and binili n’ya ako ng sapatos guys!” buong galak nitong kwento

Pagkadating sa shoot location, agad na sumalang si Vienna at ilan sa mga kasamahan nito sa photoshoot.

Congratulatory Messages

Matapos makita ang tagumpay ni Vienna, marami ang natuwa at ipinahatid ang kanilang pagbati sa tagumpay nito.

Nangunguna sa pagbati ang kanyang Ate Vien na nagpahatid ng kanyang mensahe sa isang Facebook post bilang proud ate.

“Wow naman si sister Vienna!” aniya.

Yiv Cortez: “Congrats Vienna!”

Joy Piamonte-Lim: “Congrats Vienna!”

Yuel Reyes: “Congrats Bini Vienna!”

Exequiel Embate: “Congratulations Man Vienna Iligan!”

Gianna Lauren Ann Lamadrid: “AAAAA CONGRATS, ATE VIENNA!!!!”

Angel Remigio: “Beautiful! congrats, Vienna!”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Join Junnie Boy in His Ultimate Self-Care Relaxation Day

Ang bagong vlog ni Junnie Boy hatid ay isang relaxation day kasama ang mga kaibigan…

7 hours ago

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…

15 hours ago

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

2 days ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

2 days ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

3 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

3 days ago

This website uses cookies.