Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Simula noon ayb tila hindi na siya nawala sa news feed ng mga netizens bilang isa sa mga cutie and memeable Team Payaman Kiddos! Alamin dito ang ilan sa mga kinagigiliwang videos ni Kuya Kidlat. 

Kidlat the Vlogger

Una na rito ang ibinahaging video ng kanyang Ninang Carmina Marasigan, a.k.a Ate Acar, kung saan tila nag-eensayo na si Kidlat para maging isang ganap na vlogger.

Masaya niyang binabati ng magandang umaga ang mga viewers na may kasamang malaking ngiti. 

Hi, guys! Good morning!” sambit ni Kidlat.

Ang galing naman, vlogger na rin si Kidlat,” caption ng kanyang Mama Acar.

Isa pa sa ikinatuwa ng netizens ay ang video upload ng kanyang Daddy Cong kung saan siya ay bumati ng “Hi, Viviys! Pawer!”

Kidlat the Student

Maraming beses din nagpakitang gilas si Kidlat ng kanyang talino na ikinatuwa ng netizens kagaya ng video upload ng kanyang Mommy Viy kung saan siya ay mabilis na nakababasa ng mga salitang nakasulat sa papel.

Ang cute na, ang smart pa ng Baby Kidlat namin!” kumento ng isang netizen. 

Kidlat the Judger

Isa rin naman sa kinakaaliwan ng mga netizens ay kapag lumalabas ang tila mapanghusga niyang facial expression. Gagaya noong natunghayan niyang nagpapractice ng sayaw ang kanyang Tita Mau Anlacan

Ang pabirong tanong ng mga netizens: “Tingin pa ba ito ng paghanga o tingin ng panghuhusga?” 

Isa pang halimbawa ng “Boombastic Side-Eye” moment ni Kidlat ay noong kumanta naman ang kanyang Mommy Viy sa kanilang karaoke bonding.

POV: Yung ikaw nagselect sa karaoke pero iba kumanta,” pabirong caption ni Mommy Viy.

Na-offend na naman siya,” pabirong komento ng mga netizens.

Kidlat the Dancer

Hindi rin naman nagpapahuli si Kidlat na magpakitang gilas sa talento kapag sinasama siya ng kanyang mga magulang sa mga TikTok dance craze.

Isang halimbawa na ang kanilang cute family entry sa “Brother Louie Mix” kung saan ikinatuwa ng mga netizens ang pagkakahulma ng kanyang mga ekspresyon na gayang-gaya ang mukha ng kanyang ama.

Ikaw Kapitbahay, ano ang paborito niyong Kidlat Core? 

Alex Buendia

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.