Team Payaman’s Junnie-Vien and Pat-Keng Share a Fun-filled Double-date in Taiwan

Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama niya ang mister na si Junnie Boy at isa pang Team Payaman couple na sina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng sa kanilang “double date” adventure sa Taiwan.

Dear Mavi and Viela…

Sa simula ng vlog, binanggit ni Junnie na ang video na ito ay espesyal dahil para ito sa kanilang mga anak ni Vien na sina Mavi at Viela.

“Mavs, dahil lagi kang nanonood ng video namin, ang video na ‘to ay for you and Viela… I-u-update namin kayo palagi.” 

Matapos makarating sa kanilang destinasyon, agad naman silang dumiretso sa kanilang accommodation at namahinga. Matapos ang ilang oras ay ‘di na nila pinalampas ang pagkakataong makapaglibot sa Taipei, Taiwan.

Taipei Adventure

“Hi, Guys! Welcome back to my channel… We’re here at Taipei, Taiwan.” pagbati ni Vien.

“Bukas uuwi na rin kami. Nag double date lang talaga ang mga mag-a-asawa,” dagdag pa nito.

Isa sa mga highlights ng kanilang trip ay ang pagbisita sa Taipei 101, isang kilalang shopping mall. 

Habang namimili ay patuloy naman sa pag-update si Vien kay Mavi, “So, Kuya Mavi, we’re here at Taipei 101… para mag-mall, kumain… sapagkat nagugutom na ang buntis.” Si Pat naman ay bumati rin habang kumakain. “Hi, Mavi. We’re eating our lunch!”

Boys’ Bonding

Bagama’t walang partikular na plano para sa kanilang trip, nagsaya ang boys sa kanilang “goal” na mag shopping ng mga bags.

Matapos mag-shopping, masaya si Junnie at Keng sa kanilang mga nabiling items. “Galing mo, Dad. So proud of you. Mas maarte ka pa sa ‘kin,” hirit ni Vien kay Junnie.

Relax

Bago matapos ang kanilang Taiwan adventure, nag-enjoy sila sa paboritong ramen sa Ichiran, at nag-relax sa isang spa para sa massage session. Kasunod nito, patuloy ang kanilang pamamasyal at food trip sa huling araw nila sa Taiwan.

Watch the full vlog here:

Angel Asay

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.