Toni Fowler and Tito Vince Welcome Baby Tyronne to ToRo Family

Isang panibagong adisyon sa lumalaking pamilya ng content creator na sina Toni Fowler at Tito Vince Flores ang sabay-sabay na sinalubong ng kanilang grupo at mga taga-hanga.

Tunghayan ang mga pinagdaanan ni Toni Fowler, a.k.a Mommy Oni sa panganganak nito sa kanyang bunsong si Tyronne.

The Preparations

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng vlogger na si Toni Fowler ang mga tagpo sa likod ng kanyang matagumpay na panganganak. 

Una nang nagkwento ang nobyo nitong si Tito Vince ang kanilang mga kinailangang gawin bago tuluyang manganak si Mommy Oni.

“Nagpapa-clearance talaga kami sa puso ni Mommy, sa diabetes n’ya pati sa lungs n’ya. Nagre-ready talaga kami,” kwento nito.

Hands-on din si Tito Vince sa pagbantay at pagsama kay Toni mula sa kanyang mga check-up hanggang sa araw ng panganganak.

Hindi pa man ipinapanganak ni Mommy Oni ang kanyang bunso ay emosyonal nitong ipinahatid ang kanyang mensahe para kay Baby Tyronne.

“I love you, Baby Tyronne! Mamimiss ka ni Mommy sa loob ng t’yan n’ya. Wala nang sisipa sa akin, naiiyak ako!”

Maya-maya pa ay nagdasal na ang dalawa bago magtungo si Toni sa delivery room upang manganak.

Welcome, Baby Tyronne!

Nang sumalang na sa operasyon, hindi napigilan ni Vince ang kanyang kaba sa sasapitin ng kanyang mag-ina.

“Sa totoo lang, sobrang grabe ng aking kaba.”

Matapos ang ilang mga tagpo, sabay na sinalubong ng excited parents ang kanilang supling.

“Kamukha ni Vince!” wika ng mga doktor.

“Na-overwhelm ako, nahalo-halo na [‘yung emotions ko]. Tapos, sobrang saya ko, kasi nandiyan na s’ya sa wakas!” reaksyon ni Mommy Oni. 

Ibinahagi rin ng kanyang doktor na si Doc Elissa L. Teng- Unas, M.D. ang kanyang naging karanasan kay Toni bilang kanyang pasyente.

“Si Toni as a patient, mabait s’ya, masunurin s’ya. Except for the food intake, d’un talaga kami nagtatalo,” kwento ng doktor.

Dagdag pa nito, “Pero n’ung nagdeliver si Toni, napaka-smooth, napakasaya!” 

Sa isang Instagram post, ipinahatid ng ngayo’y mother-of-two ang kanyang pasasalamat sa mga taong umagapay sa kanya habang nanganganak.

“Salamat sa mga Doctor ko! Doc @elissateng_md, thank you sa mahabang pasensya dahil napakaselan ng pag bubuntis ko,” aniya.

“@docyappy, thank you sa magandang cut ng Caesarean tahi ko! Sinigurado mo talaga na maganda ang tiyan ko ‘pag bumalik na ako sa trabaho,” dagdag pa nito.

Netizens Reactions

Ipinahatid naman ng mga taga-supporta ni Toni Fowler ang kanilang pagbati sa matagumpay na panganganak nito kay Baby Tyronne.

@_mr.guzman: “Cutie, Mommy Toni!”

@shyraw_: “Congrats!”

@zyr3ene_dreang: “Congrats, parents & welcome to the world, Baby Tyronne!” 

@Sbuendia_2004: “Congrats Mommy Oni!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.