Netizens Applaud Dudut Lang’s Transition From Cooking Vlogs to a National TV Cooking Show

Marami ang nagalak nang ianunsyo na makakasama ang Team Payaman vlogger na si Dudut Lang sa isang national TV cooking show na “Lutong Bahay” sa GTV.

Tunghayan ang naging pagbabagong isinagawa ni Dudut Lang mula sa pagiging cook vlogger hanggang sa pagiging isa sa mga host ng bagong cooking show sa bansa. 

Humble Beginnings

Talaga namang Dudut Lang all-around dahil isa sa mga inaabangan sa Team Payaman vlogger na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang ay ang mga easy-to-follow cooking vlogs sa kanyang “Dudut’s Kitchen” series sa TikTok at YouTube.

Bukod sa kanyang mga nakakatuwang contents online, isa rin ang kanyang galing sa pagluluto sa labis na hinahangaan ng kanyang mga manonood. 

“Sino gusto ng masarap na pagkain?” Ito ang ilan sa mga katagang mapapakinggan sa tuwing may bagong cooking vlogs si Dudut.

Una na nitong pinaglutuan ang kanyang mga kaibigan sa Congpound na may kanya-kanyang request na putahe, na kanya ring ginawan ng serye sa nasabing social media platform.

Mga putahe gaya ng Salisbury Steak, Lugaw, La Paz Batchoy, at Chicken Parmigiana ang ilan na sa mga niluto ni Dudut para sa Team Payaman. 

Cooking Show Host

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumida sa pinakabagong cooking show ng GTV na “Lutong Bahay” ang resident cook ng Team Payaman.

Noong Oktubre 28, unang napanood ang debut episode ng nasabing palabas kasama ang food vlogger na si Ninong Ry.

Kinabukasan naman, natunghayan ang paglabas sa nasabing programa ni Dudut na binansagang “Kumpare sa Kusina”.

Kasama nito ang kapwa host at aktres na si Mikee Quintos at ang kanilang guest of the day na si Pokwang

Una nilang ni-raid ng refrigerator ng batikang komedyante at saka sinimulan ang kanilang pagluluto.

Pinaglutuan din nito ang kanyang kapwa host na si Mikee at si Pokwang ng Ensaladang Talong ala Dudut.

Sa nasabing episode, napansin ng mga manonood ang kwelang persona na hatid ni Dudut.

Marami ang nagalak at namangha sa angking galing ni Dudut pagdating sa pagiging isang TV host sa labas ng kanyang mga vlogs.

@jeanzlowgamer5506: “Congrats Dudut! Pero sana na-highlight siya dito, pero happy na rin ako kasi nagbunga ang cooking show mo. Go Team Payaman!”

@Carlito-f5m3w: “[Si] Dudut inaabangan namin sa show ng Lutong Bahay!”

@julesarceno2463: “Pinanood ko dahil kay Dudut!”

Watch the full episode below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.