Mermaid Era: Netizens Applaud Alona Viela’s Improvement in Swimming

Bukod sa mga nakakatuwang moments ni Alona Viela sa loob ng bahay, isa rin sa mga ikinatuwa ng netizens ay ang improvement nito pagdating sa paglangoy.

Kung noong una ay naging tila hirap ang mag-asawang Junnie Boy at Vien na turuan lumangoy si Viela, ngayon naman ay halos hindi na ito mapigilang magtampisaw matapos ang kanyang swimming lesson.

First Swimming Experience

Nitong nakaraang buwan, ipinasilip ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa kanyang latest vlog ang pagsubok ng kanyang mga anak sa swimming lessons sa Blueworld Dive Center.

Present ito sa nasabing swimming lesson kasama ang asawa na si Junnie Boy sa pagsuporta kina Von Maverick, a.k.a Mavi at Alona Viela. 

Sa unang beses na sumabak sa swimming lesson ang dalawa, hindi maitatanggi na mas madaling naturuan si Kuya Mavi dahil ng hilig nito sa pagtatampisaw.

Unang itinuro dito ang ilang mga swimming skills gaya ng kicking, floating, at tamang paghinga habang nakalubog sa tubig. 

Sa kabilang banda, naging hamon hindi lang sa mga swimming instructor, kundi pati na rin kina Mommy Vien at Daddy Junnie ang pagtuturo kay Viela.

Hindi napigilang maiyak ni Viela sa tuwing isasabak na ito sa training kung kaya’t naghanda ng ilang mga laruan ang mga instructors upang malibang ito.

Back and Better

Para sa pangalawang pagkakataon, muling sumabak sa swimming lesson session si Viela kasama ang kanyang Kuya Mavi.

Laking gulat ng mga taga-nood ng kanyang Mommy Vien matapos nitong ibahagi sa isang Facebook post ang pagbabago sa paglangoy ng kanyang bunso.

“Pool time! Looking forward sa pag talon mo sa pool on your own” saad nito.

Hindi gaya noong una, game na game nang sumusunod si Viela sa kanyang mga instructors, dahilan upang unti-unti itong matutong lumangoy.

Ilan sa mga natutunan nito ay ang pagsisid, at tamang pagpadyak at paglangoy sa ilalim ng tubig.

Gaya ng proud momma, marami ring netizens ang natuwa sa improvements na ipinakita ni Viela.

Rianne Bagasona – Concepcion: “Uy hindi na sya naiyak. Sa vlog puro sya iyak nung una. Pag nabilangan na nag-start na mag iyak hahaha. Ang nanay naman tuwang tuwa hahaha. Si mavy cool lang enjoy na enjoy.”

Deverly Guaves: “Vielaboo, mas magaling ka pa sa akin lumangoy. Good job, baby girl!”

Hindi rin naman napigilan ng iba na ipahatid ang kanilang nakakatawang mga komento sa nasabing Facebook video.

Julius: “Hala ginawa nga talagang spartan si viela tulad ng sabi ni Junnie Boy.”

Lesley B. Cubillo: “Viela [be like]: Ano na naman tooooooo!”

Watch the full videos below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

3 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

6 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 week ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 week ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.