Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Happily Share Their Dream Kitchen Journey

Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV  at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng kanilang pamilya, partikular na ang kanilang very aesthetic kitchen.

Ibinahagi nina Mr. at Mrs. Velasquez ang kanilang mga pinagdaanan at naging kasangga sa pagbuo ng kanilang dream kitchen.

Dream Kitchen

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Mayfair and Co, isa sa mga tanyag na Home Organizing Atelier & Label Studio, ang naging proseso sa pagpapaganda pa ng kusina sa bagong tahanan ng Pamilya Velasquez.

Ang Mayfair and Co, sa pamumuno ng co-founder nitong si Imee Magdaraog, ang tumulong mag-organisa sa kusina nina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez.

Sa nasabing interview, hindi napigilan ng mag-asawang Cong at Viy na ipa-abot ang kanilang pagkagalak sa pagkakaroon ng mas malaking at mas magandang espasyo para sa paluluto at pagkain.

“The house is exactly what we wanted to be! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na finally, hindi na kami lilipat ng bahay,” bungad ni Cong.

Ani Viviys, naging malaking tulong ang Mayfair and Co sa pagpapaganda at pagaayos ng mga kagamitan sa kanyang kusina.

“Nag-search ako ng mga lalagyan ng mga shampoo, ng mga condiments, and na-search ko si Mayfair,” kwento nito.

Dagdag pa nito: “N’ung nag-inquire ako, bibili lang sana ako, sila mismo ‘yung pumunta para i-organize at mag-lagay ng label!”

Labis ding namangha si Cong sa mga naging hitsura ng kanilang mga gamit sa kusina.

“Imaginine mo cooking oil oh, tignan mo hitsura. [Yung] soy sauce, tignan mo oh! Kala mo Starbucks!” biro nito.

Dagdag pa nito: “Nakakaproud ‘yung bahay, syempre pinaghirapan natin ‘to eh!” 

Nang tanungin kung anong parte ng kanilang bagong kusina ang kanilang pinaka-paborito, walang pagdadalawang isip nila itong ibinahagi.

“Ang favorite part ko siguro, kung ako ang tatanungin, itong lutuan kasi marami akong content na magagawa dito,” sagot ni Viviys.

Para naman kay Cong, “‘Yung pagkaka-arrange talaga dito [sa pantry], kapag nakikita ko parang ayoko talagang galawin!”

Isa rin sa ipinagmamalaki ng mag-asawang Cong at Viy ay ang kanilang mini-coffee bar para sa kanilang mahihilig sa kape.

“Ang ganda! Hindi nasayang ‘yung kinalabasan n’ung kusina. Perfect combination ‘yung ganda ng kusina,” ani Viviys.

Congratulatory Messages

Gaya nina Cong at Viy, hindi rin naitago ng mga taga-suporta ng Team Payaman power couple ang kanilang tuwa sa bagong biyaya para sa Pamilya Velasquez.

Junior Quintela: “Ganda po ng bahay niyo, parang ‘di ka na aalis pag ganyan! Mag-sstay ka na lang.”

Vy Areved: “Mapuno [sana] ng madaming pagmamahal ang inyong bahay!”

CMV Interior Designs: “Great space!”

Mayeth Soltes Montifar Saldana: “Beautiful house with a beautiful family. God bless your family more and beyond you both deserve it!”

Ano ang hatol n’yo sa bagong bahay nina Viviys at Cong TV, mga Kapitbahay? I-comment n’yo na ‘yan!

Watch the videos below:

https://www.facebook.com/share/p/1B7Um72p63

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

3 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.