Boss Toyo Braves Through Typhoon Kristine to Bring Aid to Storm Victims in Bicol

Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol, masasaksihan ang pagbabayanihan ng mga Pilipino na nag-paabot ng kanilang tulong para sa mga nasalanta.

Iyan ang pinatunayan ng content creator na si Boss Toyo na personal pang bumyahe pa-Bicol upang magpahatid ng tulong.

Blessing in Disguise

Sa isang Facebook video, ipinasilip ng content creator na si Jayson Luzadas, a.k.a Boss Toyo ang kanyang naging paglalakbay mula Maynila patungong Bicol upang personal na matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

Kasama rin ni Boss Toyo ang nobyang si Jhoy Maldo, a.k.a Loves Jhoy, at ilan pang miyembro ng kanilang grupo sa pagtulong sa mga Bikolano.

Ngunit hindi nakaligtas ang grupo nina Boss Toyo sa mabilisang pagtaas ng tubig at lakas ng ulang dala ng Bagyong Kristine.

Sa kabila nito, hindi natinag ang vlogger at patuloy pa rin ito sa pagpapahatid ng tulong sa mga taga-Bicol.

Gamit ang kanilang sasakyan, walang pag-aalinlangang inaaya ni Boss Toyo ang bawat taong madadaanan nito na sumakay upang makaligtas sa patuloy na pag-taas ng tubig.

Bukod rito, naghandog din si Boss Toyo ng ilang relief goods gaya ng pagkain at bigas, pati na rin tulong pinansyal sa mga tuluyang nang nawalan ng tahanan.

“Gusto ko talaga makita kung ano ‘yung nangyayari dito. As my personal choice, ‘yung mga nangangailangan, gusto ko silang makita. Gusto kong maramdaman kung ano talaga ‘yung nararamdaman nila para mas lalo natin malaman kung ano ba talaga kailangan nila,” ani Boss Toyo.

Ipinahatid din ni Boss Toyo ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga naglakas-loob na makiisa sa kanya na tumulong sa mga naging biktima ng Bagyong Kristine.

“Salamat sa lahat ng aming nakasama at nagpaabot ng tulong. Bangon lang!!” saad nito sa nasabing Facebook post.

Act of Kindness

Marami ang naantig sa pakikipagbayanihan ni Boss Toyo upang tulungang makabangon ang mga nasalanta ng mapaminsalang Bagyong Kristine.

Bacolor Anne: “God bless, Boss Toyo! Biyaya ka sa mga kababayan namin dito sa Bicol. Sana i-bless ka pa ni Lord sa kabutihan mo!”

Selaznog Yam Selaznog: “Taos pusong pasasalamat po mula sa Camarines Sur!”

Margaret Yaba Faustino Julianda: “I want to say thank you Boss Toyo, the Bicol Region was so blessed and grateful sa pagpunta mo po dito. Salute po sa’yo! May the Lord bless and protect your family as always. More blessings to come because you’re a big blessings for Bicolanos”

Harry Tumaliuan: “[We wish] more success in your life, Boss Toyo. salamat ng marami! Siguro kung katulad lang kita, ganyan din ang gagawin ko. [May] God bless you more.”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Cortez, The Aguinaldos, and D’ Anicetos Go On a Fun Amusement Park Experience

Isang masaya at kwelang vlog collaboration ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong YouTube…

3 hours ago

Team Payaman Girls Channel ‘Girlhood’ Vibes in Their Vietnam TikTok Entries

Naghatid ng girlhood energy ang Team Payaman Girls sa kanilang TikTok entry serye mula sa…

3 days ago

CHINstituents Unite: Chino Liu Introduces ‘Kags, Help!’ Podcast

Reklamo? Suhestiyon? Problema? Sagot na ‘yan ni Chino Liu sa kanyang bagong ‘Kags, Help!’ podcast…

3 days ago

Netizens Giggle Over Tokyo and Kidlat’s Cinderella-Inspired Milestone Shoot

Bilang selebrasyon ng ika-apat na buwan ng bunsong anak nina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

Team Velasquez-Gaspar Celebrates Isla Boy’s Intimate Second Birthday

Sa pinakabagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, ibinahagi niya ang isang simple ngunit puno ng saya…

4 days ago

Aaron Macacua Shares Fun Snippets with Team Payaman Ahead of All Star Games

Bago pa man ang inaabangang rematch kontra sa Team Shooting Stars sa Star Magic All…

4 days ago

This website uses cookies.