Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Celebrate New House With Family and Friends

Opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez. Sinalubong nila ang bagong milestone na ito sa pamamagitan ng isang house blessing kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan. 

Ayon kay Viviys, bago palang ipagawa ang bahay ay pina-bless na nila ito kay Rev. Fr. Nelson Osorio, OSJ. Ngunit dahil dito na sila maninirahan ay napagpasyahan nilang muli itong pabasbasan para sa panibagong simula ng kanilang pamilya. 

Kwento pa ng 28-anyos na vlogger, ito rin ang kauna-unahang beses na makikita ng buong Team Payaman ang bahay na bunga ng kanilang pagsisikap. 

“Ngayon lang din makikita ng Team Payaman itong bahay, kasi sabi ko [sa kanila] ‘punta na lang kayo kapag tapos na,’ para siyempre makita nila yung pinaka ano [finish design] ng bahay,” kwento pa ni Viy. 

Mini-House Tour

Matapos ang house blessing at tradisyon na pagsasaboy ng pera sa bahay, binigyan ni Viy Cortez-Velasquez ng exclusive house tour ang kanyang mga kaibigan.

Ayon kay Viy, sinuguro niya na ang mga gamit sa bahay ay hindi ma-kanto upang mapanatili ang kaligtasan ng kanyang panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.

Maya maya pa ay isa isa nang dumating ang kanilang pamilya at mga kaibigan na walang paglagyan ang kasiyahan at pagkamangha sa bagong tahanan nina Cong TV at Viy. 

“Man, this is the house of the dreams, man!” reaksyon ni Steve Wijayawickrama.

“Hala! Ayaw paupahan ni Cocon ‘to? Paupahan na lang niya ‘to!” biro naman ni Kevin Hermosada

“Para akong nasa SM!”  ani Vien Iligan-Velasquez.

“Para mo kaming sinampal ng kahirapan!” dagdag pa ni Pat Velasquez-Gaspar.

Samantala, nangako naman si Viviys na maglalabas siya ng kumpletong house tour vlog kung saan ibabahagi rin niya ang mga supplier na tumulong sa kanila upang mabuo ang bahay. 

“Lahat ‘yan ipapakita ko sa aking house tour [vlog]. Baka kasi may mga nagpapagawa ng bahay dyan at interesado sa mga nakikita dito sa bahay.”

Watch the full vlog below:


Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.