Help Typhoon Victims by Watching Viy Cortez-Velasquez’s Baao Travel Vlog For a Cause

Noong nakaraang Agosto, bumisita ang Team Payaman, kasama si Viy Cortez-Velasquez, at ang VIYLine Media Group (VMG) sa Bicol upang bumuo ng isang travel vlog na sasaklaw sa kapistahan ng Baao, Camarines Sur.

Ngayon ay mapapanood na ang nasabing travel vlog na hindi lang naglalayong ibida ang ganda ng Baao, kundi para na rin makatulong sa mga kababayan nating naging biktima ng Bagyong Kristine. 

Tara, VIYahe Tayo!

Maaalala na noong nakaraang taon ay unang bumisita at bumuo ng “VIYahe Tayo” travel vlog ang VMG patungkol sa Sta. Ana, Cagayan, na bayang sinilangan ng ina ni Viy na si Mrs. Imelda Tumbaga-Cortez.

Ngayong taon naman ay bumisita ang VMG sa dulong timog ng Luzon upang bumuo ng travel vlog tungkol sa Baao, ang bayang sinilangan ng ama ni Viy na si Mr. Rolando Bañaria Cortez.

Binubuo ng tatlong bahagi – ang tatlumpung minutong travel vlog ay nahati sa Heart, Spirit, at Mind ng Baao. 

Ang unang bahagi ay Heart na tumalakay sa makabuluhang kasaysayan, lokal na produkto at pagkain, at mga nakakaakit na tanawin at atraksyon sa bayan.

Ang ikalawang bahagi naman na Spirit ay tumalakay sa mga ipinagmamalaking relihiyosong tradisyon, talento, at prominenteng tao na bumubuo sa pagkakakilanlan ng mga Baaoeños at kung paano nila ito naipapasa sa bagong henerasyon.

Samantala, ang pinakahuling bahagi naman na Mind ay sumakop sa halos dalawang linggong pagdiriwang ng 434th Founding Anniversary ng bayan na tinatawag nilang “Kamuy-an Festival.”  

#BangonBicol

Makalipas ang halos dalawang buwan sa pagbuo ay inabot na ito ng Bagyong Kristin na sumalanta sa malaking bahagi ng Bicol, kabilang na ang Baao.

Image source: Oliver Collins

Kung kaya naisipan ni Viy na gamitin na lang ang nabuong travel vlog upang makapag-abot ng tulong at donasyon sa mga nabiktima ng bagyo.

Sobrang sakit na bago ko ito ma-upload sinira ng Bagyong Kristine ang ganda neto at binawi ang mga ngiti ng mga taga rito. Gusto ko pong i-upload ang video na ito at ang kikitain ng video na ito ay ibibigay namin sa mga taga Bicol, bukod pa ito sa ibibigay namin ni Cong at ng VIYLine. Ba-byahe po ang VIYLine papuntang Bicol para sa isang relief operation, “ ani Viy sa kanyang Facebook post.

Umani naman ng samu’t saring papuri at kumento ang nabuong travel vlog ng VMG.

@daphney2125: “Grabe editing parang gawa ng GMA. So effort and sobrang ganda. Kudos to the people behind this amazing work.” 

Mga Kapitbahay, nood na upang makatulong sa simpleng paraan!

Watch the full video here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.