In-Between: Capinpin Brothers Share Important Lesson About Gambling Addiction

Gambling is a family disease. One person may be addicted but the whole family suffers.”

Sa halos dalwampung minutong YouTube vlog ni Geybin Capinpin, o mas kilala bilang si Ser Geybin, ay nagpakitang gilas siya sa Capinpin Brothers sa isang betting card game na In-Between.

Hamunan Galore

Maaalala sa mini-vlog ni Ser Geybin noong 2021 na pinamagatang “Ganito din ba kayo mag in-between ng pamilya nyo,” ay dati nang nagkakahamunan sa in-between ang kanyang buong pamilya – kabilang na ang kanilang ama, ina, at kapatid na si Allen Capinpin o Chief Allen.

Ako ang nagmana sa kagalingan ni Papa. Lumaban akong piso lang ang pera ko, umuwi ako isang milyon ang pera ko,” pagyayabang ni Ser Geybin.

Noong umiinit na ang laban sa kanilang unang laro ay umabot sa pustahan, mula sa itinatayang mga candy ay naging pagbabayad sa bagong mamahaling poker table, ang ibabayad ng matatalo sa kanilang laro. 

Kapag natalo ka, ikaw ang magbabayad non. Kapag nanalo ako, ako ang magbabayad non. Ora mismo, kapag natalo ako, kukuhanin ko,” kumpiyansa ni Ser Geybin sa sarili.

Ngunit minalasan ni Ser Geybin ay natalo, kaya kinuha niya nga ang bagong poker table.

Matapos ang unang laro ay tinanong naman ni Chief Allen ang kapatid kung gusto niyang bumawi sa pamamagitan ng isa pang laro. 

Kapag napanalo mo ‘to, babayaran ko ‘to (poker table). Kapag natalo ako, Cochinillo (mini Lechon) lang,” hamon ni Allen na sinang-ayunan naman ni Ser Geybin.

Matapos ang halos limang minutong paglalaro ay muling natalo si Ser Geybin kaya napabili siya ng Cochinillo. 

Sa huli, nag-iwan si Ser Geybin ng importanteng mensahe para sa mga manonood.

Kaya kayo mga ma’am and sir, lubay-lubayan niyo na ang sugal na ‘yan. Kahit nagsisimula sa mga maliliit na bagay, kita niyo lumalaki. Huwag kayong umasang mananalo kayo, dahil parati kayong talo sa sugal.” 

Netizens Reactions

Umani naman ng mga papuri mula sa netizens si Ser Geybin dahil sa kanyang makabuluhang mensahe at aral na iniwan sa vlog.

Isa na si Gladys Estrada sa nagpahayag ng kanyang kumento sa pamamagitan ng isang Facebook post

While watching the most recent vlog of Ser Geybin, natuwa lang ako sa notes sa dulo. Sobrang TOTOO! Di siya pagiging OA, nakakasira talaga siya ng pamilya. Kung di ka marunong magcontrol, uubusin ka ng bisyo mo. Mababaon ka sa utang, na pwede magresult ng pagiging magnanakaw mo,” ani Gladys.

Dagdag naman na kumento ni Christopher Franco: “Sa dami ng online casino ngayon, pati mga mobile wallet meron. Talagang self discipline and control na lang ang aasahan mo.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.