Team Payaman’s Dudut Lang Joins GTV’s Newest Cooking Show, ‘Lutong Bahay’

Ginulat ng Team Payaman content creator na si Dudut Lang ang kaniyang followers matapos ianunsyo na kabilang siya sa pinakabagong cooking show ng ng GMA Public Affairs na “Lutong Bahay.”

Isa rin ba kayo sa mga excited nang makita si Dudut inyong mga TV screen araw-araw?

Lutong Bahay

Sa isang Facebook post ng “Lutong Bahay: Recipes of Success,” ipinakilala ng GMA ang bagong aabangang cooking show sa telebisyon. 

Kasabay nito ay ipinakilala rin ng nasabing palabas sa publiko ang mga host, kabilang ang aktres na si Mikee Quintos. Makakasasama niya rito ang mga Chef vloggers na sina Chef Hazel at Chef Ylyt na kapwa kilala dahil sa kanilang mga nakakatakam na cooking content sa TikTok. 

Present din sa nasabing palabas ang pambato at resident cook ng Team Payaman na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, na hindi rin magpapahuli sa kanyang mga cooking vlogs at reels. 

Simula sa October 28, 2024, mapapanood na ang “Lutong Bahay” sa GTV tuwing 5:45 ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes. 

We’re Proud of You, Dudut!

Samantala, ibinahagi naman ng pambato ng Team Payaman ang kanyang pasasalamat na mapabilang nasa pinakabagong cooking show ng GMA. 

Salamat sa tiwala, pinpangako kong ipapakita lahat ng luto na napanood ko sa internet HAHAHA charot happy to serve,” biro ni Dudut Lang. 

“SALAMAT SA MGA NANIWALA AT SA HINDI NANINIWALA MAHAL KO KAYONG LAHAT!” dagdag pa nito. 

Hindi na bago kay Dudut Lang ang pagluluto dahil hindi lingid sa kaalaman nang lahat, unang napabilang si Dudut sa Team Payaman nang mag-volunteer itong maging resident cook ng grupo noong sila ay tumira sa iisang bahay na tinawag nilang “Payamansion.” 

Matapos mapasama sa mga vlogs ni Cong TV at iba pang Team Payaman, minahal na rin ng fans si Dudut Lang dahilan upang gumawa ito ng sariling YouTube channel na tinangkilik naman ng publiko. 

Sa nasabing channel madalas ipinamamalas ni Dudut ang kanyang talento sa pagluluto sa kanyang online segment na “Dudut’s Kitchen.” Madalas ding nagbabahagi si Dudut ng mga cooking tips sa kanyang mga cooking content sa TikTok. 

Samantala, ipinahatid naman ng Team Payaman ang kanilang all out support para sa bagong proyekto ni Dudut Lang. 

“Yey!!! Proud of you!” komento ng long-time girlfriend ni Dudut Lang na si Clouie Dims

“Proud of you, bes,” dagdag naman ng kaibigan at kapwa Team Payaman member na si Kevin Hufana. 

I-follow lang ang official Facebook page ng “Lutong Bahay: Recipes of Success” para maging updated sa mga latest episode kasama si Dudut Lang. 

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.