Chef Era: Clouie Dims Tries Cooking Thai Food For The First Time

Kamakailan lang ay lumipad pa-Thailand sina Clouie Dims at Dudut Lang kasama ang pamilya upang mamasyal.

Pero bukod sa pamamasyal, isang hindi malilimutang karanasan sa pagluluto ang sinubukan ng paboritio nating Team Payaman power couple. 

Thai Cooking Class

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Clouie Dims ang pagsubok ng Thai Cooking Class kasama ang nobyong si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang. 

Nagtungo ang mga ito sa “TINGLY: Thai Cooking School” upang matutunan lutuin ng ilan sa mga ipinagmamalaking putahe ng mga taga-Thailand gaya ng Pad Thai. 

Bukod kay Dudut, kasama rin ang mga kapatid at ina nito na game na game na nakiisa sa nasabing Thai cooking class.

Una nang namalengke ang grupo nina Clouie upang mamili ng kanilang mga kakailanganin sa pagluluto.

Matapos ihanda ang kanilang mga napamili, sabay-sabay nang sumalang sina Clouie sa pagluluto ng iba’t-ibang putahe.

Tom Yung Kung

Ang Tom Yung Kung o maanghang na Thai shrimp soup ang unang putahe na itinuro ng guro sa grupo nina Dudut at Clouie.

Matapos lutuin, isa-isang ring tinikman nina Clouie at Dudut ang unang putaheng kanilang inihanda.

Pad Thai

Sunod naman sa listahan ay ang pagluluto ng sikat na Pad Thai o Stir-fried rice noodles na may hipon, tokwa, mani, at tangy sauce.

Bukod sa pagluluto, hindi rin nawala ang kasiyahan dala ng pagiging bibo at palakaibigan ng kanilang guro.

Nang tikman, bakas sa mukha ni Clouie ang tuwa sa sarap ng kanyang pagkakagawa ng kanyang sariling bersyon ng Pad Thai.

Phanaeng Curry

Para sa kanilang ikatlong putahe, niluto naman ng mga ito ang Phanaeng Curry o ang sikat din na Thai-style chicken curry. 

Isa-isang nag-gisa ng mga rekados sina Clouie pagkatapos ay sinimulan na ang pagluluto ng nasabing putahe.

Sabay-sabay rin tinikman nina Clouie ang kanilang inihandang Phanaeng Curry at ipinares ito sa mainit na kanin.

Mango Sticky Rice

At syempre, hindi pwedeng mawala sa kanilang Thai cooking class ang paggawa ng sariling bersyon ng Mango Sticky Rice.

“Wah! So pretty!” reaksyon ni Clouie nang makita ang kanyang Mango Sticky Rice.

Fun Experience

Matapos ang kanilang klase, isa-isa itong binigyan ng munting memorabilya ng kanilang guro.

“Kung gusto n’yo ma-experience, super sulit kasi nagluto kami ng 4 dishes kasama na ‘yung Mango Sticky Rice! Worth it!” aniya.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

3 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.