Categories: WEBLOG

Cast Your Votes For This Year’s VIYLine’s Christmas Decor Competition

Dahil nalalapit na ang Pasko, nanguna na ang VIYLine Group of Companies, sa pamumuno ng vlogger na si Viy-Cortez-Velasquez sa maagang pagsalubong ng Pasko sa pamamagitan ng Christmas Decor Competition.

Tunghayan ang mga obra ng mga empleyado ng VIYLine at piliin ang inyong natitipuhan sa pamamagitan ng pagboto online. 

Christmas Decor Competition

Sa kanyang Facebook reel, ipinasilip ng business owner na si Viy Cortez-Velasquez ang pagbisita sa kanyang opisina upang makita ang mga inihandang Christmas Decor ng VIYLine employees.

Bilang premyo sa paghahanda ng lumalaking pamilya ng VIYLine, may inihandang cash prizes si Viviys para sa pinakamagandang dekorasyon sa bawat departamento.

“Mga Viviys, tayo ang magja-judge ng [Christmas] decor dito sa opisina, at ang mananalo: 3rd place P10,000; 2nd place P20,000; at ang 1st place ay P30,000,” aniya.

Ang pamantayan sa pagi-iskor sa mga Christmas Decor sa bawat departamento ay ang mga sumusunod:

  • Creativity and Originality – 30%
  • Color of Lights theme – 25%
  • Overall Visual Impact – 20%
  • Neatness & Organization – 15%
  • Team Effort & Collaboration – 10%

Isa-isang sinilip ni Viviys ang mga kwarto upang masaksihan at mahusgahan ang mga inihanda ng kanyang mga empleyado.

Cast Your Votes

Labis na namangha si Viviys sa pagkamalikhain ng kanyang mga empleyado kung kaya’t nahirapan ito sa paghatol.

Dahil dito, naisipan magpatulong ni Viy sa netizend. Sa isang Facebook post, hinikayat ng VIYLine CEO ang kanyang mga followers na iboto ang pinakamagandang dekorasyon sa pamamagitan ng pag-react sa mga litrato. 

“Nag pa christmas decor ako sa viyline office, 3rd 10k 2nd 20k at 1st 30k 💜 Patulong naman! Pasko na sa VIYLine!” saad nito.

Isa-isang kinasa ng mga netizens ang kanilang mga boto at nagpahatid rin ng pagbati ang ilan sa pagkamalikhain at pagiging makulay ng mga inihandang Christmas Decor ng team VIYLine.

Cristine Ladinez: “Super ganda talaga pag purple! Advance Merry Christmas po!”

Edden Caballa: “Awesome, very nice! Merry Christmas po!”

Maye Gonzales: “Lahat naman po nag effort so sana equal na lang po, ang mahalaga yung spirit ng CHRISTMAS ramdam na agad sa ibat ibang department ng office n’yo” 

Rosalyn Lopez: “Wow na wow!”

Katleen Paradero Capino: “Ang ganda ng decor nyo po, ma’am Viy Cortez-Velasquez!”

Para sa’yo Kapitbahay, aling VIYLine department ang natitipuhan mo? Magtungo lang sa Facebook post na ito para makaboto!

Watch the full video here: https://www.facebook.com/watch/?v=1974445336357103&rdid=GbdN7ozbn3ZBbVeF

Yenny Certeza

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

3 days ago

This website uses cookies.