Why Jokes on Miscarriage and Infertility Needs to Stop According to Alex Gonzaga

Sa isang press interview, ibinahagi ng TP Friends at vlogger-actress na si Alex Gonzaga na mayroon siyang basher na dinemanda kamakailan dahil sa hindi kanais-nais na komento sa internet. 

Normalizing sensitivity

Sa isang press conference sa pinakabagong endorsement ni Alex Gonzaga na Chef Ayb’s Paragis Tea, isa sa mga katanungan na sinagot ng 36-anyos na aktres ay kung anong uri ng bashing ang nakasakit sa kanya. 

Matapang na inamin ni Alex na ito ay ang mga mga biro at patutsada patungkol sa bigong pagbubuntis. 

Personally, hindi po ako nasaktan do’n. Pero parang tingin ko kailangan magstop ‘yun, ‘pag sinasabihan ka na ‘baog’,” sagot ni Alex.

Maaalalang noong 2021 ay ibinahagi ni Alex at ng kanyang asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada ang kanilang miscarriage.

Dapat we really have to be sensitive about it. Dapat we have to be very careful gamitin ‘yung mga words na ‘yun very loosely sa mga kababaihan.” 

Dagdag pa ni Alex, ito ang klase ng paksa na kinakailangan ng pagiging mas sensitibo at maingat na pagtalakay. Hindi lang aniya para sa kanya, kundi bilang respeto na rin sa iba pang nakararanas nito. 

Hindi ito para sa akin dahil nasaktan ko. Gusto ko maging conscious tayo. Ngayon sa digital world, sensitive na ang mga tao. Ayaw na natin ng bullying. So kapag may nakita akong nagko-komento nang ganon, kinakausap ko sa law,” ani Alex. 

Inaabangan lang aniya ang personal statement at public apology ng itinuturing na idinemandang netizen.

Netizen reactions

Umani naman si Alex ng mga papuri sa kapwa babaeng mga netizens na nagbahagi rin ng kanilang mga personal na kwento at karanasan.

@Kwabby Patty: “Tama ‘yan, kailangan na talaga makatikim ng mga trolls ng demanda. Masyado na din kasi silang mayabang at insensitive sa socmed.

@Rizamari: “Agree!! Thanks for fighting for us, Alex!” 

Watch the full video here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

3 days ago

This website uses cookies.