Isa sa mga nagpatibay ng samahan nina Viy Cortez-Velasquez at Zeinab Harake ay ang pagkakaibigan nito sa likod at harap ng camera.
Tunghayan ang pagbabalik-tanaw ng dalawa sa mga tinitingalang vloggers sa bansa sa kanilang mga pinagmulan bago makamit ang kanilang mga pangarap.
Sa pinakabagong episode ng Offbeat series sa YouTube channel ni Viy Cortez-Velasquez, tampok ang 25-anyos na vlogger na si Zeinab Harake.
Lingid sa kaalaman ng iba, noon pa man ay magkaibigan na si Zeinab at Viviys bago pa tuluyang makilala sa mundo ng social media.
“Hindi nila alam na 2018 [palang] na wala kang vlog, magkaibigan na tayo hanggang sa ngayon 2024, ngayon lang tayo nag-collab ng normal,” kwento ni Viviys.
Ayon sa dalawa, bukod sa kanilang night-out bonding, hilig din ng mga ito ang pagfo-food trip at pagtambay sa Congdo.
Matapos balikan ang kanilang mga humble beginnings, hindi na rin napigilan ng dalawa na ikwento ang katotohanan sa pag-abot ng kani-kanilang mga pangarap.
“Parang dati lang, nag-iinom tayo parang hindi natin alam kung san tayo [papunta], ano bang future natin,” ani Zeinab.
Nagsilbi rin anilang inspirasyon ang kani-kanilang mga partner sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
“Kapag sobrang lupit ng partner mo, para hindi ka mapag-iwanan, kailangan mo ring galingan sa career na tinatahak mo,” ani Viviys.
Ani Zeinab, sa likod ng kanyang matagumpay na karera bilang isang content creator, malaki ang naging papel ng fiancé nitong si Ray Parks sa kanyang tagumpay.
“Para sa akin, kapag parehas kayong may pangarap, go!” aniya.
“Sobrang nakakatuwa na kapag ang partner mo ay malupit, kailangan mo ring maging masipag,” kwento ni Viy.
“Kaya tuwang-tuwa talaga ako na ngayon ay happy ka na,” mensahe ni Viviys kay Zeinab.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.