Zeinab Harake Reveals Cong and Viy’s Wedding  Was The First Marriage Ceremony She Witnessed

Nag-collab sa kauna-unahang pagkakataon in YouTube Philippines history ang dalawa sa pinaka-tanyag na vlogger sa bansa na sina Viy Cortez-Velasquez at Zeinab Harake. 

Sa ika-apat na episode ng “Offbeat” podcast segment sa YouTube channel ni Viviys, inimbitahan nito ang kaibigan at kapwa content creator na si Zeinab para sa isang masayang kwentuhan.

Zeinab-Viy Friendship

Lingid sa kaalaman ng maraming netizens, matagal nang magkaibigan sina Viy Cortez-Velasquez at Zeinab Harake. Bagamat hindi sila madalas makita sa iisang vlog, lagi naman silang magkabonding sa likod ng camera na nagsimula pa noong 2018.

Ibinunyag din ni Zeinab na si Viy ang unang nag-udyok sa kanya na pumasok sa mundo ng vlogging. 

“Ginaganun niyo ko… ‘Ang daldal daldal mo, ba’t ‘di ka mag-vlog?’ D’un ako nag-start mag vlog, kasi sinasabihan niyo ako,” kwento ng 25-anyos na content creator na ngayon ay mayroon ng higit 14.3 million YouTube subscribers

Pero ang nasabing vlog ni Viy ang kauna-unahang pagkakataon na nag-collab ang dalawa upang pag-usapan ang mga buhay bilang isang ina, vlogger, at katuwang ng kani-kanilang partner na sina Cong TV at Bobby Ray Parks

Cong-Viy Wedding

Dito rin ibinunyag ni Zeinab na ang kasalang Cong at Viy noong Hunyo ang kauna-unahang wedding ceremony na nasaksahin niya sa kanyang buong buhay. 

“Never ako umattend sa any wedding, as in! Hindi talaga ako uma-attend kasi hindi ko nakikita yung sarili kong magpapakasal ako,” pag-amin ni Zeinab. 

“Tapos nung si Ray na yung partner ko tapos bini-bring up niya lagi sa’kin yung topic abut sa kasal, doon na ko nagkaroon ng idea na parang kailangan kong alamin ano yung buhay mag-asawa,” dagdag pa ito. 

Bukod sa kagustuhan na malaman anong nangyayari sa kasal, isa rin aniya sina Cong at Viy sa mga couple na hinahangaan ni Zeinab kaya talagang nanatili ito simula simbahan, reception, at hanggang sa after-party. 

Watch the full vlog below:


Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

18 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

18 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.