Moving In: Viy Cortez-Velasquez Shares Excitement Moving Into Their New Home

Hindi na maitago ni Viy Cortez-Velasquez ang excitement sa paglipat sa bagong bahay na pinundar nila ng mister na si Cong TV. 

Kamakailan lang ay muling pinasilip ng 28-anyos na Team Payaman vlogger at entrepreneur sa kaniyang online followers ang ilang update sa kanilang bagong tahanan. 

Walk-In Closet Sneak Peek

Noong October 11, 2024, ibinahagi ni Viy ang ilang mga larawan ng kanyang mas pinalaking walk-in closet sa isang Facebook post

Ayon kay Viviys na ngayon ay apat na buwan na ring buntis sa kanilang ikalawang supling, pansamantala niyang itinigil ang paggawa ng mini-cooking vlogs upang ayusin ang kanyang walk-in closet. 

Sa mga nasabing larawan, makikita ang napakaluwag na espasyo kung saan tiyak na kasya ang kanyang mga damit at koleksyon ng bag at sapatos. 

High-Ceiling Living Room

Samantala, sa isa pang Facebook post, ibinida naman ng VIYLine CEO ang kanilang engrandeng high-ceiling na sala. 

Makikita rin dito ang napaka eleganteng chandelier, smart TV at malawak na sofa na tiyak na swak sa kanilang magiging mga bisita. 

“Wala pa kami kurtina at di pa tapos ang bahay kaka deliver lang ng ibang gamit. Pero sabi nya kain na daw kami at manood ng movie. Love proud ako satin,” ani Viy Cortez-Velasquez

Sa sobrang excitement nga ay hindi na rin napigilan ng mag-asawa na pansamantalang tumambay sa kanilang bagong tahanan. 

“Gaano ka ka-excited?” tanong ni Viy sa mister na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV. 

“Sobrang excited,” sagot naman ng 32-anyos na vlogger. 

Kwento ni Viy, bagamat hindi pa kumpleto ang mga gamit sa nasabing bahay ay nagyaya na mag-movie marathon ang kanyang mister sa bahay. 

Pinatawa rin nito ang netizens nang ipakitang may scaffholding pa sa loob ng bahay, senyales na hindi pa talaga tapos ang mga ginagawa rito. 

“Hahaha…di naman halata na excited sa tabi ng scafolding!” biro ng isang fan. 

“Medyo matagal tagal pa nating makikita yang scaffolding haha,” dagdag pa ng isa.

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.