Malupiton Appears in First-ever Billboard For Local Luggage Brand

“Greatest offer. Thank you, Lord. May billboard na ako.” 

Todo flex ang content creator na si Joel Ravanera, a.k.a Malupiton ng kanyang pinakaunang billboard appearance para sa isang local luggage brand na Love 123 Luggage x Camille. 

Malupiton X Love 123 Luggage

Maalalang gumawa si Malupiton ng isang skit noong nakaraang buwan kung saan siya ay gumanap na karakter na si “Nangwar” na salesman sa physical store ng Love 123 Luggage x Camille.

Ngayong buwan naman ay ibinahagi naman niya sa kanyang bagong Facebook video ang mga karanasan para sa billboard photoshoot bilang brand ambassador ng nasabing kumpanya.

“May billboard na si idol. May billboard na si bossing. Sa susunod, kasama ko na ang Kolokoys TV,” ani Malupiton.

Ipinasilip ni Malupiton ang naging byahe nila papunta sa photoshoot venue, at ang mga bakanteng billboard spots na aniya ay mapapalitan ng tarpaulin na may mukha na niya.

Bitbit ni Malupiton ang full support ng ilang miyembro ng Kolokoys TV pati na rin ng kanyang nobya.

Baka mapagod ako doon, at least, dala ko ang pahinga ko,” ani Malupiton patungkol sa kanyang longtime girlfriend na si Joy Ancheta.

Pag dating sa venue ay ipinakita naman ni Malupiton ang transformation na ginawa sa kanya ng mga makeup artist at stylist.

Isa rin sa binahagi ni Malupiton ay kung paano ito naging surpresa at pasasalamat sa kanyang videographer at kapwa miyembro sa Kolokoys TV na si Bonn Earl Aquino, a.k.a May Arit.

Bilang regalo rin ni Malupiton sa nalalapit na kaarawan Bon, sinurpresa niya ang kaibigan dahil kasama pala siya sa billboard photoshoot.

Big big credits kay Bonn!! Di rin lalakas tong bossing na content kung wala akong magaling na kabatuhan ng punchline,” ani Malupiton.

Ang billboard nina Malupiton at Bonn para sa Love 123 Luggage x Camille ay matatagpuan sa Imus, Cavite, Sun Valley Skyway, at Edsa.

Ang Love 123 Luggage x Camille ay may limang branch sa Pilipinas na matatagpuan sa Tomas Morato, QC, St. Peter QC, Edsa Cubao QC; Makati City; at Tim Kalaw, Manila.

Watch the full video here:

Alex Buendia

Recent Posts

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

18 hours ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

20 hours ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

2 days ago

Zeinab Stuns At The Bench Body of Work Fashion Show

Muling nagbabalik sa runway ang isa sa mga kilalang clothing brand sa bansa, ang “Bench…

2 days ago

Clouie Dims Shares How Life-Changing Solo Traveling Can Be

Para sa Team Payaman vlogger na si Clouie Dims, isang espesyal na celebration ang kanyang…

3 days ago

Score Exclusive Deals and Get Your Viyline Favorites At The Viyline Store

Tired of costly shipping fees? Want to get your Viyline favorites on time? Good news!…

3 days ago