Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Give Touching Message to Soon-to-be Kuya, Kidlat

Isang panibagong adisyon sa Pamilya Cortez-Velasquez ang magbibigay saya sa kanilang munting pamilya.

Bilang paghahanda sa pagdating ng bunsong kapatid ni Kidlat, ipinahatid ng excited parents ang kanilang mensahe para sa kanilang panganay na magiging ganap na kuya na sa susunod na taon.

Big Adjustments

Sa isang Facebook reel, matapang na pinag-usapan ng mag-asawang Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang mga magiging pagbabago ngayong may panibagong darating sa kanilang pamilya.

Bukod sa pisikal na pagbabago, naghahanda na rin aniya ang soon-to-be-parents of two sa mga adjustments na kailangan nitong gawin ngayong dalawa na ang magiging anak nila.

“Sure ako magiging close sila [Kidlat at kapatid n’ya] babae man ‘to or lalaki, dahil sobrang lapit ng age [gap],” kwento ni Viviys.

Sa pagdating ng kanilang pangalawang supling, sigurado sina Cong at Viy na ikatutuwa rin ito ni Kidlat.

“Oh baka akala n’ya Spiderman na laruan,” biro ni Daddy Cong.

Open Letter for Kuya Kidlat

Sa nasabing video, ipinahatid din nina Daddy Cong at Mommy Viy ang kanilang mensahe para kay Kuya Kidlat sa pagdating ng kanyang kapatid.

“Maging mabait ka lang na Kuya. Maging mabait ka lang sa kapatid mo,” ani Cong.

“At kung mag-aaway man kayo, andito naman ako para hatawin kayong dalawa eh ng sabay,” biro nito.

Hindi naman nalalayo ang mensahe ni Mommy Viy para sa kanyang panganay. Kanya rin itong pinaalalahanan ng kanyang dapat gawin bilang Kuya ng kanilang bunso.

“Ako naman, lagi mong tatandaan na pantay kayo sa puso ko kayong magkapatid. And Kidlat, kahit anong mangyari, parehas ko kayong baby. Mahal na mahal ko kayo. Magmahalan kayong magkapatid.”

Hindi na rin pinalampas ni Mommy Viy na ipahatid ang kanyang mensahe sa kanyang bunsong anak na nasa kanyang sinapupunan.

“Mapababae ka man o mapalalaki, thank you so much sa pagdating mo sa aming buhay. May panibagong magdadala ng kasiyahan sa ating pamilya,” saad ni Viviys.

Touching Messages

Bukod sa mga excited parents, isa rin ang mga taga-suporta nina Cong TV at Viviys sa mga nagagalak sa pagdating ng kanilang pangalawang anak.

Sa nasabing Facebook reel, ipinahatid ng netizens ang kanilang mga nakakatuwang mensahe para sa Pamilya Cortez-Velasquez, pati na rin ang ilan sa mga karanasan ng mga ina sa kanilang ikalawang pagbubuntis.

Story Ville: “Mahirap talaga ang unang pagbubuntis dahil sa adjustment na nangyayari sa katawan [pero] mas madali na mga susunod dahil alam na ng katawan mo paano magdala ng baby, kaya mas madali na ang 2nd pregnancy.”

Cristyl Marie Tan Eredia: “Feel ko po babae anak mo. Ang blooming niyo, ang ganda niyo lalo tapos mahilig ka rin po mag ayos ngayon feel ko babae talaga.”

Noime Lerio Paalisbo: “Feel ko ma’am Viy, girl ‘yang ipinagbubuntis mo kasi blooming ka na ngayon. Yay, congratulations po ma’am Viy and Cong TV!”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

3 days ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

5 days ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

5 days ago

Why Yno’s Latest Single ‘Because’ Has Netizens Talking?

Bukod sa pagpapatawa at paggawa ng mga viral content online, ipinapakita rin ni Anthony “Yow”…

5 days ago

This website uses cookies.