Viviys’ POV: What Happened in Cong TV and Viy Cortez-Velasquez’s Overnight Taiwan Trip?

Top trending ngayon sa YouTube Philippines ang kakaibang food trip surprise ni Cong TV sa misis nitong si Viy Cortez-Velasquez.

Tunghayan naman ngayon ang nakakatuwang POV ni Viviys, at ilan pa sa mga pagkakataong sinurpresa ito ng asawa ng mga biglaang pag-alis. 

Quick Trip to Taiwan

Sa latest YouTube vlog ng soon-to-be-dad of two na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ipinasilip nito ang kanilang biglaang paglipad sa Taiwan bilang regalo sa asawa.

Ani Cong, nais nitong mapakain ang misis sa isang authentic Japanese Restaurant upang masagot ang cravings ng asawang nagbubuntis.

Dahil una nang naipasilip ni Cong ang kanyang point of view sa nasabing trip, hindi naman nagpahuli si Viy na ibahagi ang kanyang sariling karanasan, na kanyang ibinida sa isang Facebook reel

Laking gulat ni Viy nang mapagtanto na dinala ito ng asawa sa airport. Pangamba nito na wala itong dalang kahit ano, at hindi na rin ito nakapagbihis ng maayos.

“Alam n’yo guys, napapayag ako ni Cong kasi isang araw lang kami [sa Taiwan]. Ayoko ng biglaan talaga kasi syempre ‘yung anak ko,” ani Viviys.

Pagkalapag ng Taiwan, nagpahinga muna ang dalawa at sunod na sinimulan ang kanilang biglaang food trip.

Hindi na napigilan ni Viviys na magalak nang ihain na sa kanya ang kanyang hinahanap-hanap na authentic ramen mula sa Ichiran.

Hindi rin nito pinalampas na mag-uwi ng instant ramen para sa kanilang mga kasamahan sa Congpound.

More Biglaan Moments

Bukod sa kanilang Taiwan trip, noon pa man ay hilig na rin ni Cong na yayain si Viviys sa kanyang mga biglaang pamamasyal at food trip.

Isang beses ay inaya ni Cong ang kanyang asawa na kumain habang nakasuot ito ng magarbong damit at bag.

Laking gulat ni Viy nang dalhin s’ya ni Cong para kumain ng street food dahil buong akala nito’y kakain sila sa restaurant.

Wala naman itong pinagsisihan dahil nabusog ito sa mga nakain nitong siomai at ininom na gulaman.

“Nag-burp pa ako, ang sarap!” 

Isa rin sa hindi malilimutang tagpo ay ang pag-aya ni Cong kay Viviys pagkagising nito na magda-drive thru sa fastfood.

Lingid sa kaalaman ni Viy na sa Shangri-la Mall ang punta nila Cong, dahilan upang magulat at mainis ito.

“Ang usapan kakain lang! Ngayong wala naman ako sa hulog, ngayon ka nag-aya,” saad ni Viviys.

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

17 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

18 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.