Harake Sisters Share Experiences and Love Advice for Long Distance Relationships

Sinagot ng magkapatid na content creator na sina Zeinab at Rana Harake, sa bagong YouTube sit-down vlog ni Rana, ang mga katanungan patungkol sa kanilang karanasan sa long distance relationship (LDR).

Si Rana at ang kanyang nobyong Overseas Filipino Worker (OFW) sa United States of America na si Antonio Enriquez II, a.k.a Badi ay pitong taon nang magkarelasyon. Samantalang si Zeinab naman at ang kanyang fiance na basketball player na si Ray Parks na naka-base sa Japan ay dalawang taon nang magkarelasyon.

Usapang LDR

Isa sa katanungang kanilang sinagot ay ang mga adjustments na ginawa para sa relasyon habang malayo sa isa’t isa.

Para kay Rana, oras ang pinakamalaking kalaban nila ni Badi dahil sa salungat na timezone. Kwento ni Rana ay may mga pagkakataong kailangan ng isa magpuyat para lang makapag-usap nang mas matagal.

Samantala, kahit isang oras lang ang pinagkaiba ng Japan sa Pilipinas, ibinahagi naman ni Zeinab na ang kompromisong napagkasunduan nilang magnobyo ay ang 24/7 video call para updated sa bawat isa. Pati na rin ang pagdayo at pagbisita sa isa’t isa tuwing may free time sa isang buwan. 

Isa rin sa pinanghahawakan ni Rana ay ang tiwala at consistent open communication na nabuo nila ni Badi kung kaya’t kampante siya sa kanilang relasyon. 

Para naman kay Zeinab, paminsan minsan ay hindi pa rin nawawala ang “TH” o tamang hinala, bunga na rin ng mga nakaraang karanasan at trauma. Ngunit, pinanghahawakan anila ang pag-iwas sa mga short-term pleasure o mga bagay na pwedeng magbunga ng lamat sa kasalukuyang relasyon.

Samantala, nang tanungin naman kung ano ang nagsisilbing motivation nila upang manatiling inspired sa kanilang LDR: maging mas tutok sa pagiging ina sa kanilang 5-year-old unica hija na si Niesha Enriquez ang sagot ni Rana, at pagkakaroon naman ng kaparehong active lifestyle kagaya ng kanyang nobyo ang sagot ni Zeinab.

Ilan sa mga mensaheng iniwan ng magkapatid sa kanilang viewers ay “Lahat ng bagay sa mundo may sacrifice” at “Patience. Trust. Stay strong. Be a motivation to each other.

Watch the full vlog here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

10 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.