How to Make the Perfect Mango Crepe Roll According to Burong The Baker King?

Makalipas ang ilang linggo bilang estudyante sa Culinary Arts International kasama ang iba pang mga miyembro ng Team Payaman, nagpakitang gilas sa pagluluto si Aaron Macacua, a.k.a Burong, sa kanyang bagong YouTube cooking vlog.

Sinubukan ni Burong gumawa ng Mango Crepe Roll matapos itong makita sa kanyang YouTube shorts feed.

Baker King Era

Para sa unang episode ng kanyang “Baker King” segment, itinuro ni Burong ang sunod-sunod na hakbang upang makabuo ng pangmalakasang Mango Crepe Roll.

Ipinakita niya ang mga ginamit at pinaghalong mga sangkap na unsalted butter, cake flour, apat na itlog, asukal, vanilla extract, at gatas.

Matapos ang ilang minutong nakasalang ito sa baking spray ay maaari na aniya itong lagyan ng sliced mangoes, whipped cream, at budburan ng asukal. 

Ngunit noong pinatikim na niya sa kapwa Team Payaman vlogger at culinary student na si Steve Wijayawickrama ay tila nauwi na lang ito sa tawanan.

Sa akin, masarap siya, kulang lang sa tamis,” komento ni Steve.

Sinubukan pa ito remedyuhan ni Burong sa pamamagitan ng pagdagdag ng condensed milk, aniya ay “Give it another chance.” 

Hindi maintindihan nung taste buds ko kung anong mararamdaman niya,” pabirong hirit naman ni Steve sapagkat para daw itong naging Mango Sticky Rice.

Para kay Burong, ang panghimagas na ito na napakadaling gawin at maaaring ibenta sa halagang Php 100 to Php 150.

Makalipas naman ang tatlong oras na nakalagay ito sa freezer ay tila nanigas na at pahirapan tanggalin ang kapit sa pinggan. 

To the rescue naman ang kaibigang si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang at tinulungan itong hatiin inihandang Mango Crepe Roll ni Burong. 

Sa huli ay nag-iwan naman si Burong ng inspirational message para sa kanyang mga manonood.

We will try to improve. Today is not a day of defeat but a day of learning. Most of all, we learn that not everything is easy.

Watch the full vlog here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.