Toni Fowler and Tito Vince Share Parenting Practices

Nagbahagi ng “medyo seryosong usapan” tungkol sa buhay magulang ang ToRo Family head na si Mommy Toni Fowler sa bagong YouTube vlog ng kanyang nobyo na si Vince Flores o mas kilala bilang si Tito Vince.

Gamit ang mga tanong sa couple card games, sinamantala ng dalawang hindi makatulog sa madaling araw upang pag-usapan ang halos walong buwan na pagbubuntis at apat na taon nilang relasyon. 

Non-negotiable values as parents

Isa sa tanong na kanilang sinagot ay ang mga “non negotiable values” na nais nilang sanayin sa kanilang magiging dalawang anak.

Para kay Toni, layunin niyang makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak kahit anong mangyari. Bagamat may ibang magulang na sapat nang makapagtapos hanggang high school ang kanilang anak, magpupursigi aniya silang maitawid ang mga ito hanggang kolehiyo.

Dagdag pa niya ay ang pagbibigay ng angkop na suporta at kalayaan sa tuwing may mga programa sa paaralan gaya ng field trip o ‘di kaya ay outing kasama ang mga kaibigan, ngunit hindi nila ito papayagan mag overnight hangga’t hindi pa ito nasa tamang edad.

Isa rin sa napagkasunduan ng dalawa ay ang paglalaan ng angkop na screentime o tamang oras ng paggamit ng gadget lalo’t higit habang bata pa.

Pagdating naman sa pagpasok ng relasyon ay napagkasunduan din ng dalawa na papayag lang sila pag ang mga ito ay nagkatrabaho na.

Isa pa sa tanong na kanilang nasagot ay kung ano ang natutunan nila sa buhay bilang mga magulang.

Para kay Toni, ang pagiging ina ay tila nakapagbigay sa kanya ng “purpose” o layunin sa buhay.

What if the meaning of life is not just to be happy, but to feel all, everything. To feel the pain, the sacrifice, the fun, the enjoyment. Lahat ‘yun naramdaman ko nung nagka Tyronia, nagka purpose,” ani Mommy Oni.

Samantala, para naman kay Tito  Vince, natutunan niya na mas panindigan ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig pati na rin ang mga aksyong kanyang ginagawa at ipinapakita sa mga anak.

“Practice what you preach.

Watch the full vlog here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

5 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

5 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.